Eight years nang ‘di aktibo sa showbiz ang Kapamilya actress na si Bangs Garcia. Pero mukhang hindi niya nami-miss ang pag-aartista dahil may sarili na siyang pamilya.
Kelan lang ay kinumpirma niya na isa na siyang British citizen. Caption niya sa Instagram: “A year late, but I’m glad I finally had time to sort out my citizenship this year. I’ve just pledged allegiance to King Charles III and the United Kingdom earlier. Therefore, I’m officially a British citizen today.”
Seven years married si Bangs sa Filipino-British na si Lloyd Birchmore. Dalawa ang kanilang anak na sina Amelia at Isabella.
Huling siyang napanood sa 2016 teleserye na Ang Panday at sa pelikulang Dukot. Sumikat siya sa 2006 TV show na Let’s Go.
Ronnie Ricketts, gumawa ng teleserye para sa inang namatay
First time na tumanggap ng teleserye si Ronnie Ricketts dahil ito raw ang request sa kanya ng namayapang ina na si Edith Naldo-Ricketts.
Ayon kay Ronnie, lagi siyang pinipilit ng kanyang ina na gumawa ng teleserye na mapapanood niya dahil naka-base siya sa United States noon.
“Sabi niya, ‘Anak, I hope makagawa ka man lang para mapanood kita’ kasi she’s based in the States. Sabi ko, ‘Mommy, may bagong offer.’ Ito nga, ‘yung Mga Batang Riles. Sabi niya, ‘Oh, gawin mo na.’ I said,
‘Mommy, may mga sina-suggest pa akong little ideas baka mapagbigyan ako.’ ‘Gawin mo ‘yan,’ that was the last word she told me. After I talked to her, three days after, my mom passed away,” saad niya.
Hollywood legend, namatay!
Pumanaw na sa edad na 94 ang Hollywood comedy legend na si Bob Newhart.
After mag-serve sa US army during the Korean War, pinasok nito ang pag-record ng first-ever comedy disc at nanalo siya ng dalawang Grammy Awards.
Nagbida siya sa sarili niyang TV series na The Bob Newhart Show in 1961 kunsaan nanalo siya ng Peabody Award. Umere ang sitcom hanggang 1978.
Ang iba pang naging shows pinagbidahan ng comic icon ay Newhart, Bob at George and Leo. Naging constant guest siya sa shows na ER, Desperate Housewives, Hot in Cleveland, The Librarians, The Big Bang Theory and Young Sheldon.
Huling pelikula na ginawa ni Bob ay Horrible Bosses in 2011.