Handa nang rumampa sa inaugural season ng RuPaul’s Drag Race: Global All Stars ang mag-represent ng ating bansa na si Eva Le Queen. Eere ito on Aug. 16 sa Paramount+.
Makikipaglaban siya sa 11 queens mula sa iba’t ibang franchises from different countries. Nakilala siya sa first season ng Drag Race Philippines in 2022 kung saan nakapasok siya sa Top 4. Pinasikat niya sa show ang word na “tampalpuke” na Tagalog word ng flounder fish.
“I always go for breathtaking looks, I use my body, my artwork, my wigs, my face to tell a story and start conversations. It’s high time for Asian drag excellence to be in the Hall of Fame,” sey niya na ka-batch si Marina Summers na nag-place 3rd naman sa RuPaul’s Drag Race UK vs. The World.
Bear at Shogun, humakot sa 76th Emmy Awards!
Nakakuha ng pinakamaraming nominations sa 76th annual Primetime Emmy Awards ang comedy series na The Bear at ang drama series na Sh?gun.
May 23 nominations ang The Bear at 25 naman ang Sh?gun. Umani rin ng multiple nominations ang shows na Only Murders in the Building (21); True Detective: Night Country (19) and The Crown (18).
By network, ang Netflix ang namayagpag with 107 nominations this year, followed by FX with 93 and HBO with 91.
Magaganap ang awards night on Sept. 15 at the Peacock Theater in Los Angeles, California.