^

Pang Movies

John at Vanessa, nabuhay!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
John at Vanessa, nabuhay!

Maliliit pa noon ang apat na anak ng dating mag-asawang Janice de Belen at John Estrada na sina Ina, Moira, Kaila at Yuan nang sila’y magkahiwalay nung 2001.

Third party (sa part ni John) ang naging dahilan ng paghihiwalay ng dating mag-asawa. Naging malaking kontrobersiya noon ang pagkaka-link ni John sa Fil-Italian but Canada-born and raised actress-host na si Vanessa del Bianco. Dahil sa matinding kontrobersiya noon sa kanila, napilitang talikuran ng actress-host ang kanyang showbiz career sa Pilipinas at siya’y bumalik ng Canada.

Nung 2004 naman na-grant ang annulment ng kasal dating mag-asawa.

On the year na napawalang-bisa ang kasal nila ay nakilala naman ng FPJ’s Batang Quiapo actor ang Brazilian beauty queen na tinanghal na Miss Earth na si Priscilla Meirelles nung 2004. Naging magkasintahan ang dalawa hanggang mag-propose ng marriage si John nung July 5, 2009 na sinundan ng kanilang pagpapakasal in La Union nung Feb. 26, 2011. Ang mag-asawa ay nabibiyayaan ng isang anak na babae na si Samantha Anechka (12) na siyang naiipit ngayon sa problema ng dalawa.

Tulad ng papel na ginagampanan niya as Rigor na isang police sa FPJ’s Batang Quiapo, naiipit din si Rigor sa dalawang babae between his wife na si Marites (played by Cherry Pie Picache) and his mistress na si Lena (Mercedes Cabral)

Nung isang taon pa diumano may problema ang pagsasama ng mag-asawang John at Priscilla na sinubukan nilang ayusin. But it seems na malalim na ang problema nila. Si John ay nagbakasyon sa Boracay habang si Priscilla naman ay karay ang kanilang anak sa Brazil.

Hindi sana agad malalaman ang problema ng mag-asawa kung hindi dahil sa mga komento ng dating beauty queen kung saan naging bukas ito tungkol sa kanilang problema ng kanyang mister na meron umanong kasamang ibang babae sa Boracay.

Hindi pa masabi kung tuluy-tuloy na ang paghihiwalay nila at kung ito’y puwede pang maayos para ma-save ang kanilang marriage.

Vic at Vice, five years absent sa MMFF

Parehong taong 2019 nang huling sumali sa Metro Manila Film Festival sina Vic Sotto at Vice Ganda.  Pinagbidahan ni Vic kasama sina Coco Martin at Maine Mendoza ang Jack Em Popoy: The Pulis Credibles habang pinagtambalan nina Vic Sotto at Anne Curtis ang The Mall, The Merrier.

Sa official announcement ng MMDA at ng MMFF na parehong pinamumunuan ni Atty. Don Artes na ginanap sa Bulwagang Rodriguez ng Manila City Hall noong July 16, ay in-announce na ang lima sa sampung official entries ng ika-50th year ng Metro Manila Film Festival.

Balik na naman ang salpukan sa box office ng MMFF ng magkahiwalay na pelikula nina Vic at Piolo Pascual maging ng movie nina Vice Ganda at Eugene Domingo.

 

JOHN ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with