John nagbantang magdedemanda, inaming hiwalay na talaga sila ni Priscilla

John at Priscilla

MANILA, Philippines — Sumagot na si John Estrada sa problema nila ng misis niyang si Priscilla Meirelles.

Naglabas ng official statement si John kahapon kaugnay sa mainit na intriga ngayong hiwalayan nila ng misis na dating beauty queen.

Sa kanyang Instagram Story kahapon ay kinumpirma ng aktor na napag-usapan nila ni Priscilla “to take a break.”

“Priscilla and I have mutually agreed to take a break for quite some time now,” umpisa ng statement ng aktor.

Ayon pa kay John, hindi niya gustong masaktan ang mga taong mahal niya. “There’s more to the story but the last thing I want to do is to hurt the people I love,” depensa pa niya.

Nilinaw rin ni John na wala silang relasyon ni Lily Hallman, ang babaeng pinangalanan ni Priscilla na diumano’y kasama niya sa bakasyon sa Boracay.

“I want to make it clear that I am not in a relationship with Lily Hallman or any other woman for that matter. I just met her in Boracay. I had a short break from work and felt the need for a breather,” paliwanag pa ng aktor.

Sa huli ay nakiusap si John ng privacy dahil ito raw ay isang isyu ng family matter.

“This is a private family matter that’s why l ask for privacy as we deal with this. Thank you!” saad niya.

Sa ibaba ng statement ay naglagay rin ng tatlong praying hand emojis si John.

Kinontra rin ng aktor ang naglabas ng fake quotation/post niya na diumano ay sinabi niyang “Lalake ako, maraming nagkakagusto sakin kasi matipuno, mabait at gwapo tayo. Anong magagawa ko kung tukso na yung lumalapit, edi tukain!”

Ipinost ni John ang screenshot ng isang social media page na siyang nag-post ng kanyang fake quotation.

“FAKE NEWS” ang caption ni John with angry red face emojis.

Nagbanta rin ang aktor na kakasuhan niya kung sinuman ang taong ito.

“FAKE NEWS, MAG KITA TAYO SA KORTE SOON KUNG SINO KA MAN,” ang hamon ni John.

MMFF, 10 ang official entries Piolo, Vice at Vic, nakauna na!

Si First Lady Liza Marcos ang naging special guest kahapon sa grand launching ng Metro Manila Film Festival 50th edition under the theme Sine Sigla sa Singkuwenta na ginanap sa Manila City Hall.

Kasabay ng grand launch ang announcement ng first five official entries na pinili sa 39 submitted scripts.

Tulad nga noong nakaraang taon, 10 movies ang magiging official entries this year.

Noong 2023 ay nag-decide silang gawing 10 entries dahil sa overwhelming na response ng mga local producer.

At kabilang ngang maglalaban-laban sa unang limang entries sina Vic Sotto, Piolo Pascual, Vice Ganda at marami pang iba.

Narito ang limang napili ay ang mga sumusunod :

1. ‘And The Bread Winner Is’- Vice Ganda (ABS-CBN Film Production /Idea First). Directed by Jun Lana

2. ‘Green Bones’- Dennis Trillo, Sofia Pablo (GMA Films). Directed by Zig Dulay

3. ‘ Strange Frequencies: Haunted Hospital’- Jane De Leon, Enrique Gil (Reality Film). Directed by Kerwin Go

4. ‘Himala: Isang Musikal’- Aicelle Santos, Bituin Escalante (Kapitol Films/ Unitel). Directed by Pepe Diokno

5. ‘ The Kingdom’- Vic Sotto and Piolo Pascual (APT, MZet/MQuest). Directed by Michael Tuviera

Ang City of Manila ang host ng 50th anniversary of the MMFF.

Pero maraming nakalatag na activities ang MMFF bago pa man ganapin ang MMFF sa December.

Hindi nagbigay ng speech si First Lady pero kilala itong supporter ng Philippine arts and culture.

Idiniin ni MMDA Chair Atty. Don Artes ang significant support for the film industry ng MMFF, “Nais kong banggitin na simula 2016, ang mga amusement taxes na nai-wave ng mga LGUs para sa MMFF ay 100 porsyento nang inilaan sa ating mge benepisyaryo tulad ng Movie Workers Welfare Fund (Mowelfund), Film Academy of the Philippines (FAP), Motion Picture Anti-Film Piracy Council, Optical Media Board, at Film Academy of the Philippines - isang pagkilala sa kanilang napakahalagang kontribusyon sa industriya,” pahayag ni Atty. Artes kahapon sa grand launch na nagsilbing host sina Jake Ejercito at Isabelle Daza.

Ipinakita rin kahapon sa isang commemorative video ang impact ng MMFF sa pelikulang Pilipino sa loob ng limang dekada kasabay ng paglulunsad ng 50th-anniversary logo at kanilang bagong trophy.

Sa August ay magkakaroon ng launching ng MMFF classic poster mural. Pagdating ng September ay gaganapin ang Sine-Singkwenta featuring 50 selected Filipino movies na ipalalabas sa mga sinehan na P50 lang ang bayad sa mga sinehan.

Pagdating ng October ay magkakaroon ng regional launch ang MMFF50 kasama na ang Student Film Caravan sa Universidad de Manila in partnership with FDCP.

Magkakaroon din ng celebrity golf tournament na malamang na ganapin sa Malacañang at MMFF50 Masterclass.

December 15 naman gaganapin ang Parade of Stars at may Movie Premiere week from Dec. 15 to 20 at pagdating ng Dec. 21 ang sponsors Night at ang Gabi ng Parangal sa Dec. 27.

Bago na nga ang trophy nila, crafted by renowned Filipino artist Jefre.

Inulit ni MMFF Chair Don Artes na kung sa 800 cinemas ipinalabas ang mga pelikula noong MMFF 2023, ngayong 2024, “we like to cover 900 cinemas.”

Magkakaroon din ulit ng Manila International Film Festival sa Los Angeles at nakikipag-usap na raw sila sa mga organizer doon.

Ang anunsyo ng susunod na apat na finished films ay sa Oktubre 15 (Martes).                                                                

 Nalampasan ng MMFF 2023 ang target at nadoble ang kita, layunin ng MMFF 2024 na lumikha ng mas magagandang pelikula at magbunga ng mas malaking kita sa takilya.

Ang pelikulang Rewind ang nag-number 1 sa MMFF 2023 na kumita ng mahigit isang bilyon.

Show comments