Aktor at BF, nalinlang

Lesser category na young actor ang boylet ng isang aktor na pinagdududahan ang gender nang sumikat.

Fake news pala ‘yung pag-uugnay ng aktor sa ibang young actors. Panligaw pala ‘yon sa tunay niyang boylet, huh!

Sa isang event, hindi nagpapasinan ang dalawa. Hindi magkakilala.

Pero bago pala duma­ting sa event, meron na silang hotel na pinangga­lingan. Upang hindi mabuking, hindi sila nagsabay na dumating sa venue ng event. ‘Yun nga lang, may mga marites pa ring nagsaksi ng presence nilang dalawa, huh!

Gary at Pablo, pasok na rin sa concert nila Stell

Idinagdag sina Gary Valenciano at Pablo ng SB19 upang bilang guests sa coming concert nina Julie Anne San Jose at Stell ng SB19.

Swak naman si Gary sa concert dahil hindi lang sa pagkanta ang galing niya pati na sa pagsasayaw!

Eh si Pablo naman, kabisado na rin niya ang boses at galawan ni Stell kaya naman pasok din siya sa konsepto ng show.

Narinig na rin naman ang impromptu duet nina Julie at Stell nang magsama sila bilang judge sa The Voice. So ‘yung nagwi-wish na maging mahaba ang performance nilang dalawa eh pasabog talagang lalabas sa concert!

Show comments