KMJS, patuloy na tinututukan!

MANILA, Philippines — Patuloy ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa pagiging Sunday viewing habit ng mga manonood.

Nitong Linggo (July 7), nagtala ang KMJS ng pinakamataas nitong TV rating ngayong 2024 na 18 percent people rating ayon sa Nielsen TV Audience Measurement.

Marami rin ang tumutok dito online kaya nakamit ng programa ang mahigit 232,000 record-breaking peak concurrent viewers sa livestream.

Ang KMJS na ang masasabing paboritong programa ng maraming mano­nood sa bansa.

Noon pa man ay lagi na itong namamayagpag sa TV man o online.

Show comments