Diana, nagbenta ng FHM mags
Naka-score ulit si Boss Toyo sa pag-acquire ng exclusive na memorabilia mula sa isang sikat na sexy star noong 2000s. Ito ay ang crush niyang si Diana Zubiri.
Sa video ng kilalang Pinoy Pawnstars, makikita ang pagbisita ni Diana sa shop at bitbit niya ang apat na collectible na FHM magazines, kabilang doon ang ginawang kontrobersyal pictorial nito sa EDSA flyover noong 2002. “Actually, nung nag-shoot kami dito, ire-reveal natin, naka-bikini ako talaga. So nung nagalit kasi sila at nagkaroon ng issue, hindi ko raw puwedeng ilabas ‘yung totoong suot ko, so in-edit nila,” kuwento pa ni Diana sa pictorial niya.
Dala rin nito ang kopya ng Burning Up! album niya na may single na Catch Up!, kasama ang CD ng director’s cut version ng pelikula niyang Liberated 2.
Nagkasundo sina Diana at Boss Toyo sa presyong USD 400, o mahigit P23,000 para sa buong set na pinirmahan nito.
Ayon kay Boss Toyo, mas mataas ang halaga kung original, at unedited version ng EDSA flyover photoshoot ang madadala nito.
Plano ni Boss Toyo na magtayo ng museum kung saan ipakikita niya ang koleksyon na nabili niya mula sa mga Pinoy celebrity. Ilan sa mga nakolekta na niya ay mga damit mula kay Francis Magalona, Chito Miranda at Gloc 9; Urian trophy ni Jiro Manio at FAMAS trophy ni Niño Muhlach.
Martin, nagpa-borta
Pinaglaway ni Martin del Rosario ang maraming beking netizens dahil sa pinost niyang photos niya sa Instagram.
Bortang-borta na ang katawan ng Kapuso hunk at ngayon lang daw niya pinost ito pagkatapos ng ilang buwang training kasama ang kanyang fitness coach na si Harold Goma.
Nabanggit na dati ng Asawa ng Asawa Ko star na may pinaghahandaan siyang malaking project, pero secret daw muna ito dahil kailangan siyang maging handa physically.
Meryl, babalik sa Devil…!
After 17 years ay magkakaroon na ng sequel ang hit comedy ni Meryl Streep na The Devil Wears Prada.
Muli siyang gaganap as Runway editor-in-chief Miranda Priestley at nagbabalik din ang original cast na sina Anne Hathaway, Emily Blunt at Stanley Tucci. Ididirek pa rin ito ni David Frankel.
“The sequel currently in development at Disney. A source close to the production says that original screenwriter Aline Brosh McKenna is also working on the sequel’s screenplay,” ayon sa report ng Entertainment Weekly.
Kumita ng $326 million globally ang The Devil Wears Prada at nakakuha pa ng dalawang Oscar nominations and a Golden Globe for Meryl.
- Latest