Bakit kaya? Joshua at Bimby, nakipag-bonding kay FL Liza Marcos!

MANILA, Philippines — Maraming na-touch at na-shock nang i-post ni First Lady Liza Marcos na binisita siya ng magkapatid na Joshua and Bimby Aquino. May dala pang pasalubong ang magkapatid sa misis ni Pres. Bongbong Marcos.

Common knowledge ang kumbaga ay history ng pamilya Marcos at pamilya Aquino.

Caption ni FL Liza “Thank you for taking time off to visit me, Bimby and Josh

“?my pasalubong! ”

May maliit na box ng Hermes sa pasalubong ng mga anak ni Kris Aquino kay Mrs. Marcos.

Ang designer na si Michael Leyva ang naging tulay sa naganap ng courtesy visit ng dalawang binata ni Kris na kasalukuyan pa ring nagpapagaling sa Amerika pero diumano’y nagbabalak nang umuwi sa bansa.

Bestfriend ni Kris si Michael Leyva na gumagawa rin ng mga gown para sa Unang Ginang.

Nagpasalamat naman ang sikat na designer kay FL Liza. “A heartfelt thank you to our gracious and ever-loving first lady for this wonderful morning we love you po Mam @lizamarcos”

Marian, pansin na pansin sa modern Filipiniana

Mapapanood na sa July 14, 10:00 p.m., sa ALLTV ang maningning 7th EDDYS o Entertainment Editors’ Choice na ginanap noong Hulyo 7, 2024, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts.

Bukod sa acting categories, naging highlight din ng 7th EDDYS ang Box Office Heroes na first time pinagkaloob ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Pinangunahan ito ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na kumita ang pelikula nilang Rewind ng mahigit isang bilyon.

Naging entry ito sa MMFF 2023 na sinira ang lahat ng box office records, pinakamalakas na pelikula na sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

Sumunod na pinakamalakas ang horror movie ni Piolo Pascual na Mallari. Kaya naman tumanggap din siya ng Box Hero Award at dagdag na karangalan na nanalo pa siyang Best Actor.

Personal din tinanggap ni Julia Montes ang kanyang Box Office Hero sa 7th EDDYS para Five Breakups And A Romance.

Ang ganda ng suot ng mag-asawang Dingdong at Marian - barong and modern Filipiniana na makikita mong enjoy din sa panonood ng programa. Nag-story pa nga si Marian ng acceptance speech ni Enchong Dee na nanalong Best Supporting Actor para sa pelikulang Gomburza.

Anyway, nang tanggapin ni Dingdong ang kanyang Box Office Hero trophy sinabi niyang “Hindi lang po dahil sa napakagandang kuwento ni Enrico Santos kung hindi pati na rin dahil sa naging experience po namin sa buong pelikula.

“Mula sa story conference, mula sa shooting, sa promotion, lahat. And I think higit sa lahat dahil lahat po ito nangyari kasama ko ang aking mahal sa buhay, ang aking misis.

 “Kaya very, very memorable po. Kaya maraming salamat po sa pagkilala, at sa alaalang ibibigay nito sa amin dahil forever po talaga namin itong…

 “Tuwing makikita namin, maaalala namin yung pelikulang ito. Pero sa tingin ko, gusto ko rin pong i-share ito sa mga tao na bumuo ng pelikula.

 “The men, women behind the film Rewind. Our co-creators, Star Cinema. APT Pictures, Agosto Dos Pictures. Sa aming direktor na si Mae Cruz.

 “Sa aming cast, si Joross Gamboa who’s also here with us right now. Lahat po ng bumubuo, maraming-maraming salamat.

 “At siyempre, sa mga nanood. Sa mga tumangkilik, sa mga bumili ng tiket. ‘Yung mga nakiiyak sa amin, maraming-maraming salamat po sa inyo.”

Kaya naman hirit ni Marian, nasabi na lahat ng kanyang mister ang gusto rin niyang sabihin.

“Nasabi mo na lahat. Ha! Ha! Ha! Siguro ano lang po, walang sawa at siguro hanggang nabubuhay kaming mag-asawa, lahat ng ito ay iniaalay namin kay Lods.

“Hindi magiging posible ito kung hindi dahil sa Kanya. Kaya Lods… para sa Iyo ito!”

Naging host ng 7th EDDYS sina Gabbi Garcia, Jake Ejercito, at Janine Gutierrez.

 Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, kaagapay ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom at iFern/Kim’s Diary.  Katuwang din ng SPEed ngayong taon sa The EDDYS sina DILG Secretary Benhur Abalos, Mayor Albee Benitez, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bong Revilla, Rep. Camille Villar, Sen. Nancy Binay, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, Rep. Arjo Atayde, Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Frontrow, Kat Corpus Atelier, iFern, Kim’s Diary, Emelette Gorospe, Rowena Gutierrez, Kamiseta, Casa Juan, at ang Echo Jham Entertainment Production.

Show comments