Labis-labis ang kasiyahan ni Julia Montes sa pagkakahirang niyang Best Actress sa ginanap na 7th EDDYS Awards Night o Entertainment Editors’ Choice last Sunday, July 7 na ginanap sa Marriott Grand Ballrom, Newport World Resorts.
Nanalo ang aktres para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang Five Break-ups and a Romance.
Sa kanyang Instagram account kahapon ay nag-post ng madamdaming pasasalamat ang aktres at tila nga nasa cloud nine pa ito.
“July 7 2024 - isang pangyayari sa buhay ko na sobra kong naramdaman na grabe tlga ang blessing ni LORD,” simula ni Julia sa kanyang post.
“Before doing #FiveBreakupsAndARomance ang dami kong tanong sa sarili ko “ kaya ko ba?” “Bakit ako?” Dahil maraming pagkakataon na ako mismo nagtatanong sa kakayanan ko,” patuloy niya.
Malaking tulong daw ang direktor nilang si Irene Villamor upang kayanin niya ang challenge.
“Pero nakilala ko ang aming director na si Direk @ayrin , tinuruan nya akong pahalagahan ang sarili at paniwalaang kaya ko ang mga bagay bagay. Unang pagkakataon ko yata sa mga nagawa kong pelikula na excite akong ipakita sa mga kaibigan ko ang pelikula dahil proud ako sa proyekto at masaya ako sa pagkabukas ko bilang actor sa pelikulang kasama ang aking mahal na kaibigang si @aldenrichards02,” sey ni Julia.
Binigyan din niya ng kredito sa kanyang pagkakapanalo ang leading man niyang si si Alden Richads.
“I will never have the chance na makatanggap ng Best Actress if not with my Best Actor kong si Lance.? PAR, salamat sa suporta at pagpapalakas ng loob ko sa pelikula natin,” mensahe niya kay Alden.
Nagpasalamat din ang aktres sa kanyang management, sa producers ng movie at sa lahat ng tumulong sa kanya in doing this film, gayundin sa mga manonood.
“Cornerstone Studios, Myriad and GMA Films salamat sa pagtaya sa mga panahong bumabalik pa lamang ang pelikula. Thank you din sa masisipag na staff and crew na sobrang minahal ko. Naging madali ang lahat dahil sa mga katrabahong naging kaibigan ko.
“To my tito @visionerickson salamat sa paniniwalang kaya kong ganapan si Justine.
“Salamat kay Kuya @macmerla sa support sa lahat ng pagkakataon mahal kita at sa aking pinakamamahal na Momsky @takasqueen na laging nasa tabi ko , i will never be able to finish this film without my Momsky i love you ! Thank you po po Tita @malousantos03 sa inyong wisdom, expertise at pagmamahal.
“Thank you SPEED And THE EDDYS AWARD for this recognition. Sobra pong nakakataba ng puso.
“Maraming maraming Salamat po sa lahat ng nakapanuod at naappreciate ang aming pelikula. Para po sa inyo ang recognition na ito! Sana po patuloy natin supportahan ang pelikulang Pilipino!” pahayag ng aktres.
James, ipo-produce ang gagawing pelikula
Ayon kay James Reid, itinayo niya ang Careless Music hindi para pagkakitaan kundi para makatulong sa mga artist.
“For me, it’s really not about the profit margins when it comes to Careless Music label. I always wanted it to be just a safe space for artists to grow, discover their sounds. That’s what I use it for,” pahayag ni James sa panayam kay MJ Marfori.
As an artist, aniya ay kumikita pa rin naman daw siya for himself.
“I make my money in my own ways, you know, of course I have endorsements and those other things.
“But then, really, the music label wasn’t designed to be like that. It was designed to just help artists grow and be able to you know, take risks with their music,” dagdag niya.
Gusto raw niyang mag-explore ang kanyang mga artists na naa-achieve naman daw nila just like what they’re doing with Liza Soberano na naka-penetrate sa Hollywood.
“We’re so proud of her and what she’s accomplished. I still remember when we first spoke. She said when we asked her ‘what do you want to do?’ and she said, ‘hmm, no one’s really asked me that before’ and she said, ‘I wanna go and do Hollywood. So, now she’s doing it,” ani James.
Ibinalita rin ng aktor/singer na may pelikula siyang gagawin na siya rin ang producer.
“I always planned on going back to acting. I never said that you know, ‘I quit.’ It was just I wanted to do music because when I had left ‘that kind’ of showbusiness in film and tv and the loveteam and everything, I wanted to figure out who I was outside of a pair. Who is James Reid if there’s no loveteam?
“And I felt that through music. That I could really discover myself and what makes me ‘me’ and it’s been great,” pahayag ni James.
Hindi pa idinetalye ng aktor/singer ang bagong proyektong gagawin at abangan na lang daw.