^

Pang Movies

Andrea, tutok muna sa pagkaing tinitinda!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Focus na muna ngayon sa kanyang career at iba pang personal goals ang aktres na si Andrea Torres.

Kamakailan, binuksan ng aktres ang kanyang food businesses na Kusina ni Andeng kasunod ng kanyang food delivery business.

Sa kabila ng pagiging abala sa kanyang mga negosyo may oras pa ba si Andrea para sa love life? Priority niya muna sa ngayon ang kanyang sarili at hindi niya iniisip ang pagkakaroon ng partner.

“Of course kailangan laging may time for mga personal naman na mga achievement or goals. So darating ‘yan. Hindi ko naman siya pinaplano. ‘Yung mga ganyang bagay I think mas maganda na hayaan mo na lang ‘yung fate ‘yung mag-decide kasi the more mo siya hanapin or pilitin, baka mamali ka pa e. ‘Di ba? So chill ka lang.

“Focus ka lang sa sarili mo and i-improve mo lang ‘yung sarili mo palagi. Tulad din sa work, when the blessing comes you’re ready and lagi kang nasa best version of yourself,” sey ni Andrea.

Monsour, may inamin sa ginawa ni Dolphy

Kinuwento ng Pinoy Taekwondo legend na si Monsour Del Rosario na ang yumaong Comedy King na si Dolphy ang nagkumbinsi sa kanya noon na pumasok sa showbiz.

Kuwento ni Monsour: “After ng 1988 Olympics, kinuha ako ni Tito Dolphy. Siya ang nagsabi sa akin na, ‘Monsour, gusto ko na mag-artista ka.’”

Sa una ay tumanggi raw noon si Monsour sa udyok ng yumaong si Dolphy, pero kalaunan ay pumayag din siya.

“Sabi ko, ‘Tito Dolphy, hindi ako marunong mag-Tagalog. Bisaya ako, Ilonggo ako.’ Sabi niya, ‘You’ll learn Tagalog. Sabi ko, ‘I don’t know how to act.’ ‘You take an acting workshop’ sabi niya.”

Pinasok siya ng Comedy King sa ginagawa nitong pelikula noon na pinamagatang Enteng the Dragon na spoof ng pelikula ni Bruce Lee na Enter the Dragon.

“I did one movie. Nagkaroon ng magandang impact. Dumami ang nag-enroll sa taekwondo gyms na kakaunti pa lang ‘yong gyms noon,” pag-aalala ni Monsour.

Malaki umano ang naging impact ng pelikulang ito kung kaya’t dumami rin ang nagkainteres sa sports na Taekwondo.

vuukle comment

ANDREA TORRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with