Julia, Charlie best actress sa 7th EDDYS; Coco, may pa-lucky charm!

Julia Montes

Itinanghal na Best Actress sina Julia Montes at Charlie Dizon habang waging Best Actor si Piolo Pascual sa katatapos lang na The 7th  EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Nanalo si Julia para sa kanyang pagganap sa pelikulang Five Breakups And A Romance at si Charlie naman para sa Third World Romance  habang si Piolo ay nagwagi para sa Mallari.

Ngayong taon, itinanghal ang pelikulang About Us But Not About Us bilang Best Film at Best Director si Jun Robles Lana para pa rin sa  About Us But Not About Us.

Ang Best Supporting Actress award ay naiuwi ni Gladys Reyes para sa Apag at ang Best Supporting Actor ay iginawad kay Enchong Dee para sa GomBurZa.

Naganap ang Gabi ng Parangal para sa ika-7 edisyon ng The EDDYS sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City, mula sa direksyon ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon.

Mapapanood ang kabuuan ng awards night sa delayed telecast nito sa ALLTV sa July 14, 10 p.m..

Nagsilbing host ang itinanghal na Best Actress sa 6th EDDYS na si Janine Gutierrez (para sa pelikulang Bakit Di Mo Sabihin?) kasama ang Kapuso Millennial It Girl na si Gabbi Garcia at movie at TV actor Jake Ejercito.

Nagkaroon ng espesyal na pagtatanghal  ang award-winning singer na si Jed Madela, Ultimate Singer-Songwriter Ogie Alcasid, drag queens Rampa Reynas at ng mga promising young artists na sina Elisha Ponti at Andrea Gutierrez.

Nagsilbing Red Carpet host naman ang veteran radio-online personality na si Mr. Fu.

Naging isa sa mga highlight ng event ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing nang mga haligi ng movie industry na kinabibilangan nina Nova Villa, Leo Martinez, Lito Lapid, Eva Darren, at Gina Alajar.

Isang posthumous award din ang ipinagkaloob sa yumaong comic strip creator, movie producer at direktor na si Carlo J. Caparas, na tinanggap ng kanyang mga anak na sina Peach at CJ Caparas.

Iginawad ng SPEEd ang The EDDYS Box Office Heroes kina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Julia Montes, Kathryn Bernardo at Piolo Pascual na malaki ang ambag sa muling pagbangon ng Philippine movie industry.

Ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan) ay ipinagkaloob ito kina dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson at Quezon City Mayor Joy Belmonte. Ang tumanggap ng parangal ay ang kanyang amang si dating Mayor Sonny Belmonte.

Ang Joe Quirino Award ay iginawad sa beteranang broadcast journalist na si Korina Sanchez, habang ang veteran entertainment columnist na si Ronald Constantino ang tumanggap ng Manny Pichel Award.

Ngayong taon, ang Rising Producer Circle Award ay ipinagkaloob sa Mentorque Productions ng Mallari.

Samantala, marami namang nakapansin na hindi nabanggit ni Julia si Coco Martin nang tanggapin   ang kauna-unahang Best Actress award.

“Hindi ko makakalimutan si Sir Deo sa Lahat ng roles na ibinigay sa akin. First adult roles na serious roles siya ang nag-motivate sa akin. Siya ang unang naniwala sa akin,” na ang kanyang tinutukoy ay ang namayapang ABS-CBN executive na si Deo Endrinal.

Bukod sa pagiging Best Actress kasama rin si Julia sa pinarangalang Box Office Heroes.

Pero nabanggit naman niya sa interview pagkatapos na tanggapin ang dalawang award na pinadalhan   siya ni Coco ng flowers bago pumunta ng Marriott Hotel kung saan ginanap ang awards night.

Kaya ang joke sa kanya, baka nga ‘yun ang lucky charm niya.

Anyway, narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa 7th The EDDYS:

BEST FILM

“About Us But Not About Us” (The IdeaFirst Company, Octoberian Films, Quantum Films)

BEST DIRECTOR

Jun Robles Lana (About Us But Not About Us)

BEST ACTRESS

Charlie Dizon (Third World Romance)

Julia Montes (Five Breakups And A

Romance)

BEST ACTOR

Piolo Pascual (Mallari)

BEST SUPPORTING ACTRESS

Gladys Reyes (Apag)

BEST SUPPORTING ACTOR

Enchong Dee (GomBurZa)

BEST SCREENPLAY

Jun Robles Lana (About Us But Not About Us)

BEST CINEMATOGRAPHY

Juan Lorenzo “Pao” Orendain (Mallari)

BEST PRODUCTION DESIGN

Mariel Hizon (Mallari)

BEST EDITING

Lawrence S. Ang  (About Us But Not About Us)

BEST MUSICAL SCORE

Von de Guzman (Mallari)

BEST SOUND

Immanuel Verona, Nerrika Salim (Mallari)

BEST VISUAL EFFECTS

Ryan Grimarez, Macky Rayanon, Tawong-Lipod - Creative Studio (Shake, Rattle & Roll Extreme)

BEST ORIGINAL THEME SONG

Sa Duyan ng Bayan (GomBurZa)

 

Show comments