^

Pang Movies

Buhay ni Mallari, humahakot ng award!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Buhay ni Mallari, humahakot ng award!
Piolo Pascual

Tapos na ang The Eddys o Entertainment Editors’ Choice Awards. Ginanap ito noong nakaraang Linggo ng gabi.

At kung kami ang tatanungin, wala na kaming hihintayin pang ibang awards night. Natapos na rin kasi ang Urian.

Lumalabas base sa awards na ibinigay ng iba’t ibang award giving bodies, ang humakot ng mara­ming parangal ay iyong pelikula ng isang baguhang producer na Mallari.  Hindi masyadong nabigyan ng play up ang kuwento ng pelikulang iyan bago inilabas sa MMFF kasi ang pinalabas ay isa iyong thriller tungkol sa isang serial killer na pari. Hindi talaga na-exploit kung sino si Juan Severino Mallari. Kung pagbabatayan ang kasaysayan si Juan Severino Mallari ay isa sa kauna-unahang Pilipino na naging kura paroko at naging simbolo rin ng paglaban ng mga Pilipinong klero noong panahon ng mga Kastila na lumalaban para sa sekularisasyon ng simbahan. Ibig sabihin, sila iyong naniniwala na ang simbahan sa Pilipinas ay dapat pamunuan ng mga Pilipino.

Si Juan Severino Mallari ang kauna-unahang paring Pilipino na hinatulan ng kamatayan at ginawang bukas sa publiko ang kanyang execution, ilang dekada bago pa nasundan ng Gomburza sa Luneta rin. Sinasabi noon na si Mallari ay maaaring nagkaroon ng problema sa pag-iisip kaya siya nakapatay ng mga tao.

Wala rin namang diretsong ebidensiya na siya nga ang gumawa ng pagpatay. Basta nagkasakit siya at may mga taong dumalaw sa kanyang kumbento at sinasabing doon nakita ang mga ebidensiya na ginamit niya sa pamamaslang ng mga tao.

Nakapagtataka, hindi man lang siya dinala sa isang mental institution na noon ay mayroon na niyan sa Pilipinas. Basta hinuli siya ikinulong sa Maynila at matapos ang sampung taon bigla na lang lumabas ang hatol na kamatayan. Marami ang nag-iisip na ang hatol kay Juan Severino Mallari ay hindi dahil sa sinasabing pamamaslang niya kundi dahil sa kanyang pakikipaglaban para sa sekularisasyon ng simbahan na noon ay dominado pa ng mga klerong Kastila.

Sayang hindi masyadong lumutang ang historical value ng pelikula bagama’t hindi natin sila masisisi dahil kakaunti naman ang mga naiwang tala ng kasaysayan tungkol kay Juan Severino Mallari.

Bukod sa kanya, sinasabing ang isa niyang kapatid ay naging gobernadorcillo rin sa Pampanga.

At least naungkat na muli iyan at naging aware ang mga tao sa kanya, pero hindi kami naniniwalang serial killer nga si Mallari. Kasi may mga ebidensiya na ayon sa kasaysayan na posibleng siya ay nasiraan ng bait dahil sa naging pressure ng kanyang katungkulan.

At least nagbigay iyon ng parangal kay Piolo Pascual ng isang Eddys. Maipagmamalaki na niya ngayon na siya ay tumanggap ng award mula sa isang award giving body na walang anomalya.

Dalawang maituturing na baguhan pa rin ang nanalong best actress sina Julia Montes at Charlie Dizon, na mukhang sinusuwerte simula nang maging asawa ni Carlo Aquino. Sinasabi naming baguhan dahil kahit na noon pa nag-artista si Julia Montes matagal namang naudlot ang kanyang career dahil “nagbakas­yon” siya sa abroad  nang mahigit isang taon. Mabuti naman at nang magbalik siya ay may mga magaganda pa rin siyang assignments at lately ay open na yata siya sa kanyang love life dahil nakikita na silang laging magkasama ng long time boyfriend niyang si Coco Martin.

Natuwa rin kami sa panalo ni Gladys Reyes, iyan ang isang batang halos nasubaybayan namin ang career simula pa noong panahong miyembro siya ng That’s Entertainment. Hindi lamang mahusay iyang si Gladys kundi maganda ang kanyang professional attitude. Nakita namin ang kanyang pagsisikap noon, kahit na sa kakarampot lamang na talent fee nila sa That’s. At noon pa naman ay magaling na talaga siya bilang kontrabida. Sana ma­ging bida rin naman siya.

Si Enchong Dee rin naman ay sinuwerte ngayon at isa na rin siyang Eddys award holder. Siguro naman pagkatapos niyan maiiba na ang mga usapan tungkol kay Enchong.

Maraming hindi magagandang sinasabi tungkol kay Enchong tapos nademanda pa siya ang libel na aywan kung naayos na ba o hindi pa. Pero ngayong may acting award na siya mula pa sa isang inirerespetong award giving body, na binubuo ng mga respetadong editors ng mga pangunahing diyaryo malaking bagay na iyan.

Maganda ang resulta ng Eddys, at iyan naman ang inaasahan. Kagaya nang dati maayos ang kanilang pagpaparangal sa mga star, lahat ay nabigyan ng ­atensiyon at take note, sa pagkakataong ito ay nabigyan ng dapat na pagkilala at hindi nabastos ang movie icon na si Eva Darren. Siguro kung sumama man ang loob niya sa iba, sa nangyari naman sa Eddys ay nakabawi na siya, bukod nga sa katotohanang mas may prestigious ito.

Mukhang masaya naman ang mga taong umuwi pagkatapos ng awards night, hindi kagaya noong minsan na maririnig mong nagtatatalak ang iba dahil sa mga kaguluhan at kapalpakan ng awards night. Mahusay ang pagkakadala ni Direk Eric Quizon ng show kaya tiyak na aabangan iyan sa susunod na linggo sa delayed telecast sa AllTV.

Male star, nilaglag ng dating maimpluwensyang papa

Sino ang sikat na male star na sinasabing kaya pala hiniwalayan ng asawa ay dahil nagkaroon din ng kaugnayan sa isang public personality na “hiding in the closet” pa rin?

Hindi lang iisa ang nagsabi sa amin na madalas makita ang dalawa noong araw, at take note nakikita sila sa mga coffee shop ng five star hotels nang alanganing oras na. May kuwento  pa na magkasama sila sa isang resort sa Tagaytay na ipina-reserve nang buo para sa kanila lamang.

Pero sinasabing nagtapos na rin daw ang kanilang “love affair.”

Kasalanan naman ng sikat na male star. Binuntis niya kasi ang isang chika babes niya eh natural naisip ng closet official na baka pati iyon pasustentuhan pa sa kanya eh mahina na rin nga ang raket niya ngayon dahil hindi naman siya inilagay sa puwesto ng bagong administrasyon kagaya ng inaasahan niya noon.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with