MANILA, Philippines — Extra special daw ang GMA Gala 2024 on July 20 para sa JulieVer loveteam nila Julie Anne San Jose at Rayver Cruz dahil iyon din ang 35th birthday ni Rayver.
“Tumama on Ray’s birthday kaya parang big celebration iyon for him. May instant birthday party siya na star-studded pa,” tawa ni Julie.
Ready na raw ang isusuot ni Rayver at wala pa siyang clue kung ano ang isusuot ni Julie sa gala.
“Sinisikreto pa, e. Pero confident naman ako kay Juls kasi pasabog ang mga gowns niya parati. Lagi naman kaming coordinated sa tulong ng stylist namin,” sey ni Rayver.
Muling ring magkasama sa Sparkle World Tour 2024 ang JulieVer at inaabangan na sila ng kanilang fans sa California sa August kung saan kasama nila sina Alden Richards, Isko Moreno, Boobay, at Ai-Ai delas Alas.
Barbie at Jak, nagbigay ng payo sa mga in-love
Seven years na ang relasyon ni Barbie Forteza kay Jak Roberto kaya may karapatan itong magbigay ng payo sa mga gustong ma-in love.
“Sabi nga nila you’ll meet three kinds of love in your life. The first one, you’ll feel all the butterflies in your stomach. ‘Yung second love will teach you all the lessons you need to learn. And then the third one is the love na magpaparamdam sa ‘yo, how love should feel like,” sey ng Pulang Araw star.
Payo niya kay Alden: “Make time for yourself. Be more social outside of work, and just have fun.”
Para naman kay Miguel Tanfelix: “Kung nasaan man kayong estado ngayon ni Ysa (Ortega), pangalagaan mo ‘yan, dahil she’s one of a kind.“
Para naman kay Kyline Alcantara: “Remember that you’re still very young, you can always just have fun muna. No need to commit agad-agad. Get to know the person first.”
Barbie, buntis na sa first baby
Buntis sa kanyang first baby ang Barbie star na si Margot Robbie.
Masaya sila ng filmmaker husband niyang si Tom Ackerley dahil matagal nila pinagpaliban ang magka-baby after nilang ikasal noong 2016 dahil sunud-sunod ang mga naging pelikula ni Margot hanggang maging billion dollar star and producer ito dahil sa Barbie movie.
Ngayon ay mas relaxed na raw si Margot kaya magpahinga muna ito para tumutok sa kanyang pregnancy at sa pagiging mother.