Jed, tikom sa panunumbat ng tiyahin!
Ano ang talagang issue, Jed Madela? May lumabas na post ang isang nagsasabing tiyahin daw siya ni Jed Madela na tumayo ring manager niya for the past 23 years.
Sabi ng tiyahin hindi na raw sana sila kikibo tungkol sa kanilang naging problema kung hindi lang sila pinaringgan ni Jed sa kanyang huling kanta.
Isinumbat din ng tiyahin niya na sila na raw ang nag-alaga roon at pinatira pa sa bahay nila simula nang dumating siya sa Maynila. Nahiwalay na lang daw iyon nang maikuha niya ng bahay matapos na sumikat nga at kumita na sa ilalim ng kanyang management. Pero wala raw itong respeto sa kanila.
May statement pa raw ang singer na para sa kanya mas mahalaga ang pera kaysa sa pamilya. Ibinulgar din niyang pinagtakpan lang niya si Jed pero ang tawag daw noon sa mga taga-ASAP ay tsonggo.
Mukhang matindi talaga ang galit ng tiyahin pero si Jed ay nananatiling tahimik sa issue.
Siguro nga naisip ni Jed na kung ano man ang problema nila dapat ay pag-usapan nila after all magkakamag-anak naman sila. Bakit kailangang dalhin pa iyon sa press at kaladkarin pa ang ang lahat at kailangang ilabas pa iyon sa publiko?
Wala naman sa publiko ang kalutasan ng kanilang problema eh.
Nora, sinaway ang fans!
Sinaway na diumano ni Nora Aunor ang kanyang fans na walang tigil sa paninira kay Vilma Santos at sa nominasyon noon bilang national artist. “Karapatan nila iyon at hindi sila titigil hanggang hindi rin kayo tumigil,” sabi pa diumano ni Nora.
Natural magsalita na nang ganyan si Aunor lumalabas kasing napaka-bitter nila dahil sa rami ng nag-eendorso kay Vilma bilang national artist.
Aywan kung susundin din si Nora ng kanyang fans.
Xian, nilabag ang batas sa Thailand?!
Binabatikos nila ang actor at director na si Xian Lim nang makita nila ang ginawa noong briefing sa blackboard para sa kanyang staff at crew na sinama sa Thailand para sa pelikulang Kuman Thong.
Burado na raw kasi ang litrato nito kung saan nakalagay sa immigration briefing nila na “WE WILL NOT DECLARE SHOOT.” Sinabi niyang sila ay magtutungo roon na ang gamit ay tourist visa lamang at kailangang ikaila nila na sila ay gumagawa ng pelikula.
Mahirap kasing kumuha ng working permit sa abroad, at kung sasabihin mong shooting iyon ng pelikula baka kailangan ka pang magbayad ng equity sa union nila roon.
Mali talaga iyon dahil pandaraya iyon at paglabag sa batas sa bansa kung saan ginawa iyon, pero intindihin na lang ninyo na indie iyan.
Leonardo Dicaprio, sinagot ng DENR!
Nanawagan si Leonardo DiCaprio sa ating Department of Environment and Natural Resources (DENR) tungkol sa Masungi Georeserve na siya raw nagsikap para muling matamnan ng mga puno ang isang forest reserve sa PIlipinas.
Pero ngayon daw ay nanganganib na muling masira ang kabundukan dahil pinaaalis na ng DENR ang Masungi. Hinihiling ni DiCaprio sa mga Pilipino na manawagan kay Presidente BBM para huwag makansela ang karapatan ng Masungi na pangalagaan ang kalikasan doon.
Sinagot naman iyon ng DENR, ang may-ari ng kabundukang iyon ay ang mga mamamayang Pilipino at walang karapatan ang Masungi na i-develop iyon bilang isang pasyalan at tapos ay naniningil sa mga taong magtutungo roon.
Kung sino ang tama nasa korte na nga siguro ang desisyon diyan kung magkakaroon man ng kaso pero nakakatuwang isipin na ang isang actor na gaya ni Leonardo DiCaprio, ay maging concerned sa kalikasan sa ating bansa.
- Latest