Catriona, tiniis ang sakit sa lava walk!

Naging bukas si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang sakit na scoliosis. Inamin ng beauty queen na matagal siyang nakipaglaban sa sakit niyang ito.

Malaking tulong nga raw sa kanya ay ang pilates. Noong pina-practice raw niya ang kanyang famous “lava walk,” tiniis daw niya ang sakit dahil gusto niyang na-perfect ang signature walk niya sa Miss Universe.

Jean, ayaw nang masaktan!

Single si Jean Garcia at kuntento na raw siya na wala siyang inaalagaan at walang problema pagdating sa topic ng pag-ibig.

Mas importante raw sa aktres ang kanyang pagmamahal sa mga anak, sa dalawang apo at sa kanyang sarili. 
“Hindi ko alam kung nakasanayan na lang or siguro mas tinanggap ko na lang. Kasi ayoko na ulit masaktan. Saka hindi na ako ‘yung sa hindi ako ready or I’ll find the right person. Kung darating, darating. Pero kung hindi, it’s okay. I’m a better person, mas strong, mas mahal ang sarili,” sey niya na tumatanggap ng maraming papuri sa role niya as Aurora Palacios sa Widows’ War ng GMA Prime.

Lindsay Lohan at Jamie Lee Curtis, kasado na ang reunion!

Tuloy na ang reunion movie nina Lindsay Lohan at Jamie Lee Curtis. Ito ay ang sequel sa kanilang 2003 comedy na Freaky Friday.

Pinost ng Walt Disney Studios via IG ang photo nila sa labas ng trailer na may caption na: “The Colemans are back and coming to theaters in 2025! The sequel to Freaky Friday is now in production!”

Nag-gross ng $160 million ang Freaky Friday 21 years ago. Babalik din sa sequel ang original cast na sina Mark Harmon, Chad Michael Murray, Christina Vidal Mitchell, Haley Hudson, Lucille Soong, Stephen Tobolowsky and Rosalind Chao.

Nagkaroon ng successful comeback si Lohan via Netflix’s romantic comedies Falling For Christmas and Irish Wish. Nagwagi naman ng Oscar award si Jamie for Everything, Everywhere All At Once in 2023.

Show comments