^

Pang Movies

Dinky, ‘di tinablan ng gamot

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Dinky, ‘di tinablan ng gamot
Dinky Doo Jr.

Nakakalungkot naman ngayon sa show business, kamamatay lang noong Lunes ng actor at director na si Manny Castañeda nito namang umaga ng Martes ang nabalitang pumanaw ay si Dinky Doo Jr.

Si Dinky Doo Jr, ay nabalitaan naming naospital dahil sa mga kumplikasyon daw ng diabetes, tapos ang sabi ay gumaling na siya dahil sa isang “mabisang gamot” na natuklasan niya na itininda sa internet lamang.

Naging endorser pa siya ng gamot na iyon na available sa iba’t ibang social media platform.

Nakakalungkot na kung kailan pa siya naging endorser ng gamot na iyon at saka pa siya pumanaw.

Sino pa ngayon ang bibili ng gamot sa internet na sinasabi nilang napakabisa eh namatay iyon mismong endorser nila.

Pero bakit ka maniniwala? Bakit hindi iyan inirereseta ng mga doktor  at bakit hindi iyan ipinagbibili sa mga botika?

Bakit walang matibay na permit mula sa FDA?

Goma at Eric, suportado si Ate Vi

Tingnan mo nga naman maging ang congressman at matinee idol na si Richard Gomez at ang director at actor na si Eric Quizon ay nagpahayag in public na pabor sila para gawing isang national artist si Ate Vi.

Sino nga bang tao sa industriya ang ayaw, maliban sa ilang mga miyembro ng isang kulto na kinokontra ang pagtutulak kay Ate vilang national artist.

Kasi naman hindi maaaring daanin sa hate compaign  ang lahat at walang taong pumapanig sa mga nega ang dating.

Masyadong marami nang negative na nangyayari sa industriya tapos sila sa halip na magsikap para kahit na papaano ay makaangat pa, ang inaatupag nila ay ang pagiging “crab mentality.”

Mga Pinoy porn star, nasusulutan ng mga foreigner!

Nakakatawa, ang dami nang artistang Pilipino na wala halos trabaho ngayon dahil wala namang masyadong gumagawa ng pelikula. Ang ginagawa nila ay puro indie na kung sinu-sino lang hindi naman mga sikat na artista ang lumalabas.

Si direk nga umaamin na ang pelikula niyang ginawa ay walang nag-hit sa sinehan isa man kaya siya ay bagsak na lang sa internet streaming. Tapos ito pa ang mas nakakatawa, kumukuha pa sila ng mga artistang dayuhan na payag maghubo’t hubad sa kanilang mga ginagawang sex films.

Nakakaawa anga mga artistang Pilipino, kahit na sa paghuhubad na lang nasusulot pa ng mga dayuhan sa ating bayan.

Iyan ang isang bagay na dapat pag-aralan ng Aktor Ph. Papaano silang kikilalaning isang union ng mga artista at nang sa ganoon ay mas magkaroon sila ng tinig laban sa mga ganyang sitwasyon.

Ang dami namang Pilipino na nagkahandang magbuyangyang ng kanilang kayamanan, hindi ba?

Naawa nga kami sa isang young male star noon, maayos naman siyang tingnan, maaari siyang gawing artista sa matinong pelikula o maging model para sa commercials pero nakumbinsi siyang mas madali siyang sisikat at kikita nang malaki kung magbubuyangyang na lang siya ng kanyang private parts sa sex films na pang internet streaming.

Sunud-sunod ang ginawa niya pero hindi naman siya yumaman dahil barya-barya lang naman ang bayad sa kanila. Aba nagulat kami noong isang araw nang may lumabas na picture niyang mukhang dugyot na.

Kaya ano ang kinahahantungan ng mga “artistang” ganyan?

Tapos ngayon masusulot pa sila ng foreigners na darating lang dito para maghubo’t hubad. Masyado nang insulto iyan sa mga Pilipino.

DINKY DOO JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with