^

Pang Movies

Angel, mas enjoy sa video games?!

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — Totoo kayang walang kaplano-plano si Angel Locsin na balikan ang showbiz?

Nag-e-enjoy dumano ito sa kasalukuyan sa chill lang ang buhay.

Pero ang pinagkakaabalahan diumano nito, computer games.

Usap-usapan nga na nasa bahay lang diumano ito at enjoy sa paglalaro.

Nauna nang nabanggit ng kaibigan niyang si Dimples Romana na detoxified na si Angel sa social media at diumano’y walang sinasagot kahit sinong mga naghahanap sa kanya except her.

 Banggit ni Dimples sa aming previous interview : “Happy siya. I get to see her anytime. She doesn’t hold her phone. She doesn’t reply to anybody. I’m sure kahit kay Neil (Arce) din, ewan ko ha,” umpisa ni Dimples.

“She has detoxified herself from social media and so alam mo ang galing niya eh. Kasi for the longest time she’s been under that magnifying glass. Naisip ko ‘oo nga ‘no?,’” dagdag pa ng kaibigang actress tungkol kay Angel na halos two years na ring hindi nagpaparamdam sa showbiz / social media.

“Ok naman po. Very happy siya. I saw her, she felt very light. Nagkukulitan kami. Kumain kami together. Nakikita niya ang mga bata kasi ‘pag dinadala ko ‘yung kids. I’m very happy with how she’s living her life. She’s showing a lot of people that ‘ok, we make choices, and this is my choice. This makes me happy, and you don’t all have to know about it,” saad pa ni Dimples sa amin.

Ayon sa isang pag-aaral sa halos 2,000 na mga bata, ang naglalaro ng mga video game sa loob ng tatlong oras bawat araw o higit pa ay mas mahusay sa exam.

So baka nga ganun.

Keri kaya? Robin, wish na mangyari ang ginagawa ng movie industry ng Thailand at Korea

Pinagdarasal ni Senator Robin Padilla na makasali ang pelikula niyang ginagawa sa 2024 Metro Manila Film Festival.

Kaya naman niri-request niya na mag-umpisa na sila ng shooting next month. “Sana makapag-umpisa na ako bago mag ‘yung plenaryo. Kasi kapag nag plenaryo mahihirapan na ako,” aniya nang kausapin namin pagkatapos ng press annoucement para sa pelikulang Gringo: The Greg Honasan Story na pagbibidahan niya.

Pero, Sen., hindi ka nagwo-worry na up to now ang tumal ng mga pelikulang Tagalog?

“Iyan po ang isang problema ng.. politiko ‘yan eh. Kaya po may sinusulong ako na bigyan ng suporta ng gobyerno ang pelikula.”

Tax incentives aniya ang gusto niyang isulong. “Halimbawa ‘yung pelikula ko may kinalaman sa kasaysayan, magpapakita ng magagandang lugar kasi kaakibat po ‘yan ng turismo. Parang ginagawa nila sa Korean movies, Thailand movies. Pagka ginawa mo ‘yang pelikulang ‘yan na nakita ng gobyerno. Una maganda ‘yung istorya. May kinalaman sa kasaysayan, pinakita mo ‘yung magagandandang lugar pwedeng ibalik sa’yo ang ilang porsyento ng tax mo. Parang ginagawa po nila sa Korea, saka sa Thailand. Sa Thailand 30% eh.”

Ilan ang pino-propose mo, Senador?

“Iyon din. Bakit naman lalayo tayo. Sana magawa ‘yun.”

Ano naman ‘yun balitang tax holiday?

“Holiday lang. Kami ‘yun. Ako saka ‘yung apat na sikat (Senators Robin, Bong Revilla, Jinggoy Estrada and Lito Lapid). Mga artista rin, mga Senador. Gusto namin ‘yun. Kinakausap pa namin ‘yung BIR kung pwede. Kasi minsan umaasa ‘yung mga tao eh. ‘Pag bill pa lang ilalabas ng media. Akala ng mga tao totoo na. Hindi po. Daraan sa proseso pa ‘yun eh. Kaya gusto namin bago mangyari gumawa kami ng bill although meron na ha. Kaya lang natulugan ‘yun ng mga unang regular session. Kailangan bago kasi mo mai-file pero kakausapin muna namin ‘yung BIR. Mahirap ‘yung satsat tapos walang mangyari.”

Pero dati may tax incentives?

“Natanggal ‘yun eh. Nawala ‘yun.

Ayaw ninyong ibalik?

“Una, walang budget. Hindi naba-budget-an. Pangalawa, naabuso eh. Ang gusto natin ngayon hindi na daraan doon. Kailangan ako ha, sa sarili ko, ‘yung pelikula mo huwag naman sabihin ng tao na gaya-gaya ako gusto ko lang sabihin kasi nagawa na nila ito sa Korea at Thailand bakit hindi natin i-apply?

“‘Di ba ‘yun lang naman ang akin. Bakit pa natin pahihirapan pa ‘yung sarili natin. Bumubuo tayo ng kung anu-ano meron namang successful doon. So ako gusto ko gayahin lang ‘yun. Eh ‘yung ginagawa nila may kinalaman sa turismo. So ang gusto ko ikabit ang dapat sana ang mag-a-approve ngayon ‘yung DOT. Sila ang magsasabi na itong pelikula na ito ay nakatulong sa turismo at ganun din ‘yung National Commission for Culture and Arts sila rin ‘yung magsasabi na itong pelikulang ito e talagang nagsabi ng kasaysayan kasi alam mo hindi nawawala. Masakit man sabihin pero sa mundo natin sa showbiz hindi nawawala ‘yung intriga na sasabihin kaya lumusot ‘yung pelikula babanatan ko lang ‘yan. 

“Hindi nawala ‘yun eh. Siguro pagka bumagsak na itong sa DOT at sa National Commission for Culture and Arts malamang mawala na ‘yung ganoon. Kasi alam natin dumaan talaga sa proseso,” paliwanag pa ng aktor/senador sa aming interview tungkol sa pagbibigay ng incentives sa pelikulang local.

Hanggang napunta sa Eddie Garcia bill ang usapan. anong mae-expect natin?

“Ako po sana sumunod ‘yung mga producer. Ayun ang ano natin kasi ako naman naniniwala kasi ako sa ganun. Kapag ang artista pinakiusapan mo hindi naman ‘yan mahirap kausap. Pagbibigyan ka niyan. Nandyan ‘yung Eddie Garcia Law para magbigay ng protection kapag alam mong inaabuso ka na. Kasi sa atin naman given ‘yun. Mabait ang mga taga-pelikula. Lalo na pagka maliit na producer. Pakikiusapan ka, Boss, baka pwedeng.., sasabihin mo talaga oo eh.

“Ang masakit lang ‘yung malaking network ‘yun pa ‘yung hindi susunod ‘di ba. Kaya ang pakiusap natin sana ang unang sumunod dito sa Eddie Garcia Law eh ‘yung mga network at huwag sanang abusuhin. Ako alam ko ang artista madaling pakiusapan. Ako ‘yun. Lalo na ‘pag sinabi mo, may mga tao po na hindi mababayaran. O-oo ka kaagad. Kaya lang sana huwag naman maging every taping ‘yun. Every taping na lang may pakiusap. ‘Wag namang ganun,” mahabang sagot at pakiusap pa ni Sen. Robin.

Goin’ Bulilit, may pa-ty kay Coco

Magbabalik na ang kinagiliwang kiddie gag show ng ABS-CBN na Goin’ Bulilit, sa pangunguna ng FPJ’s Batang Quiapo star na si Baby Giant at It’s Showtime kids na sina Argus, Kulot, Imogen, Jaze, at Kelsey sa pinakabago nitong season na mapapanood simula Hulyo 1 (Lunes) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, ALLTV, A2Z, at iWantTFC.

 Ibinahagi ni Baby Giant, na gumaganap bilang Oweng sa FPJ’s Batang Quiapo, na tinuturing niyang blessing ang mapasama sa iconic Kapamilya show. Nagpahayag din siya ng pasasalamat kay Coco Martin sa pagpayag nitong mapabilang siya sa bagong season ng Goin Bulilit.

 “Sabi niya (Coco) na para sa akin ito. Super supportive po siya sa akin. Super thankful po ako mapasama sa ‘Goin Bulilit.’ Para po sa akin, ito po ay isang big opportunity,” sabi niya. 

ANGEL LOCSIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with