Seth, smitten with Love sa di ka nag behave

MANILA, Philippines — Pag-ibig para sa isang taong nasaktan ang ibinida ng Kapamilya aktor at singer na si Seth Fedelin sa kanyang comeback single na Di Ka Nag Behave.

Ibinihagi ni Seth sa hip hop track ang mensahe ng pagkahulog sa taong nasaktan sa pag-ibig. Sa groovy at catchy nitong tunog, ikinuwento niya ang iba’t ibang bagay na handa niyang gawin para masungkit ang puso ng minamahal.

Nagsilbing executive producers ng awitin sina StarPop label head Roque “Rox” Santos at ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo habang inareglo ito ni Michael Cursebox Negapatan at isinulat ni Jonnell Sarmiento.

Unang nakilala si Seth nang maging housemate ito sa Pinoy Big Brother: Otso noong 2018. Ipinakita niya ang talento bilang aktor sa kanyang pagbida sa iba’t ibang series tulad ng Huwag Kang Mangamba, Lyric & Beat, Dirty Linen, at Fractured. Nakatakda naman siyang bumida sa upcoming film na My Future You kasama ang onscreen partner na si Francine Diaz.

Bilang recording artist, inilabas ni Seth ang kanyang unang single na Kundi Ikaw noong 2022. Naging bahagi rin siya ng iba’t ibang soundtracks tulad ng Kahit Na Anong Sabihin Ng Iba mula sa Hello Stranger, Hindi Kita Iiwan mula sa Lyric & Beat, at Mamahalin Kita Palagi mula sa 3pol Trobol: Huli Ka Balbon!

Pakinggan ang nakakakilig na mensahe ni Seth sa bagong single na Di Ka Nag Behave na available sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

Show comments