Barbie, nireklamo ang ‘pagbubuntis’ kay Richard!

Barbie

Inireklamo ni Barbie Imperial ang isang Facebook page na aniya ay nagbabalita ng mga kasinungalingan tungkol sa kanya kabilang na nga ang isang post na buntis siya at ang ama ng kanyang dinadala ay ang rumored boyfriend na si Richard Gutierrez.

Sa kanyang official FB account, ipinakita ng aktres ang profile ng Showbizfinds page na nagpo-post daw ng mga maling balita about her.

“This page is posting lies and things that I never said. Please report.

“Report Showbizfinds. Mga oragon patabang pls,” caption ni Barbie.

Sa isang post ng nasabing showbiz page ay ang naghuhumiyaw na headline na “Barbie Imperial UMA­MING BUNTIS sa Unang Pagkakataon! Richard Gutierrez TATAY NA!”

Nasa larawan din si Boy Abunda na pinalalabas ng nag-post na umamin si Barbie sa naturang TV host.

Nakasaad din sa post ang diumano’y sinabi ni Barbie na “Yes Tito Boy, MAGKAKABABY na kami ni Richard.”

Hinihintay namin na magbigay rin ng paglilinaw si Barbie tungkol sa pagkaka-link nila ni Richard na matagal-tagal na ring nagsi-circulate sa showbiz, pero up to now ay wala pang pahayag ang aktres tungkol dito, at ganundin din naman ang aktor.

Matatandaang ibinalita ni Ogie Diaz kamakailan na exclusively dating na raw sina Barbie and Richard. Bukod dito ay may sightings din na magkasama ang dalawa sa iba’t ibang lugar.

Ara, neutral sa divorce!

Neutral si Ara Mina sa usaping divorce sa Pilipinas at sa ngayon hindi raw niya masabi kung kontra ba siya o pabor dito.

“Parang neutral lang ako, ayokong sabihing hindi, ayokong sabihing oo,” sey niya nang makatsikahan namin sa pocket presscon for her 30th anniversary concert na All of Me.

“Mahabang usapin ‘yan talaga pagdating sa divorce. Pero dito sa Pilipinas kasi, talagang mahirap pa tanggapin ‘yan,” aniya.

Show comments