^

Pang Movies

Aktres, binubugaw ng nanay sa pulitiko

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Materyosa ang ina ng leading lady na in demand sa pelikula at telebisyon.

Kaya naman kapag nagkakaroon ng karelasyon ang anak, sinisipat niya itong mabuti kung mayaman at kaya siyang sustentuhan ng luho niya.

Eh nung nakarelasyon ng aktres ang isang culinary teacher, aba, pinadispatsa niya ito sa anak dahil kapos sa pera, huh!

Kaya naman nang magustuhan si aktres ng isang mayamang pulitiko sa probinsiya, kahit hindi kaguwapuhan eh pinatulan niya ito, huh!

Pero bago ang isang pulitiko, naugnay pa sa isang sikat na male personality si aktres. Hindi na lang niya alam tinitiktikan siya ng asawa ni male personality na nangangalap ng ebidensiya upang bago benggahin ang female celeb! Pero marami na siyang naipabiling mamahaling gamit sa mayamang male personality, huh!

Ate Vi, mahaba pa ang proseso sa National Artist!

Ang unang resolusyon na ipinasa ng board of directors ng AKTOR PH ang endorsement kay Vilma Santos-Recto bilang National Artist.

Lahat naman ng Board of Directors ay sumang-ayon sa endorsement ayon kay Dingdong Dantes na pangulo ng organisasyon.

Alam din kasi ni Dong ang accomplishments ni Ate Vi hindi lang sa sining kundi sa larangan ng public service.

Sa totoo lang, maraming organisasyon ang nagbigay ng endorsements kay Ate Vi bilang NA pati na rin mga artistang nakasama niya gaya nina Boyet de Leon, Baron Geisler, Piolo Pascual at iba pa.

Matagal-tagal pa ang proseso bago maging national artist ang isang nominee pero marami ang naniniwalang deserve ni Vilma Santos-Recto na maging National Artist!

vuukle comment

VILMA SANTOS-RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with