^

Pang Movies

Yen, nasulsulan ng nanay na hiwalayan si Paolo?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May kumakalat na namang tsismis kaya raw nag-split sina Yen Santos at Paolo Contis ay dahil ayaw ng ermat ni Yen sa kanya. Diumano, pinangaralan ng ina si Yen na wala siyang mapapala kay Paolo dahil marami nang naging babae iyon, binuntisan, inanakan pero hindi sinustentuhan. Ngayon nawalan pa ang ipinagmamalaki niyang noontime show.

 Ang sabi nakinig naman si Yen sa nanay niya kaya nakipag-split kay Paolo Contis.

Aywan naman natin kung totoo ang sinasabi nila sa tsismis dahil wala namang makasasagot niyan kundi si Yen, at sa palagay naman namin hindi na siya magsasalita tungkol sa bagay na iyon.

Renz at Jef, kasal na

Nagpakasal na pala ang mag-syotang sina Renz Fernandez at Jef Gaitan.

Si Renz ang pangalawang anak nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino. Nag-artista rin naman si Renz at marami ang nagsasabi noon na sisikat din siya gaya ng tatay niya pero mukha ngang hindi siya meant for showbiz.

Iyan namang kanyang naging asawang si Jef Gaitan, natatandaan namin na una naming narinig  nang sumali sa Survivors noon ng GMA 7, tapos nag-artista rin at napunta naman sa ABS-CBN. Ginawa pa siyang news presenter sa entertainment at sports ng ABS-CBN.

Matagal na rin naman ang kanilang relasyon ni Renz bago nila naisipan ang isang very private wedding, pero kabilang sa kanilang main sponsors ay sina Manny Pacquiao at Senator Grace Poe.

Si Jef mismo ang nagsabi noon sa pamamagitan ng kanyang social media account pero wala na siyang ibang detalyeng ibinigay tungkol sa kasalan.

It seems they got married in a church. Kaya namin nasabing ‘it seems’ dahil may pictures ang mga bagong kasal sa harap ng isang church altar pero wala namang kuha na may kasamang pari. Dagdag pang detalye, si Jef Gaitan ay limang taong nakabilang sa 100 sexiest women in the Philippines na pinili ng FHM.

Sen. Lapid, dinadawit sa POGO!

Idiniin ni Senador Lito Lapid na hindi totoong siya ang may-ari ng sampung ektaryang lupa sa Porac, Pampanga na kung saan nag-o-operate ng isang illegal na POGO. Pero sinasabing sa tax declaration ng lupa ang registered owner ay sina Manuel Lapid at Marissa Tadeo. Ganoon pa man karapatan ng senador na ikaila iyon kung gusto niya hanggang sa mapatunayan nga beyond reasonable doubt sa hukuman na sila ng asawang si Marissa ang may-ari ng lupa. At sila man ang may-ari ng lupa, ano ang katunayan na may kinalaman din sila sa operasyon ng POGO.

Kung si Alice Guo na suspen­dido nang mayor ng Bamban, Tarlac aminado ring sa kanya ang lupang tinayuan ng POGO at ayon sa resolusyon ng Sangguniang Bayan siya ang nag-request na payagan iyong mag-operate sa Bamban, hindi maalalang may kinalaman siya sa POGO eh.  

Alden, pang-promo pa lang ang panliligaw kay Kathryn?!

Ikinaila raw ni Dominic Roque na may balak siyang manligaw kay Kathryn Bernardo. Ano ba naman sila simula nang makipag-split si Kathryn kay Daniel Padilla lahat na lang sila sinasabing may balak na manligaw sa aktres.

Hindi mo naman sila masisi dahil bukod sa maganda at mabait naman si Kathryn maikakaila nga bang siya ang pinaka-popular na aktres sa kasalukuyan? Sa ganyang sitwasyon marami talaga ang magkaka-interest na manligaw.

Kaya may nagsasabi na mukhang delikado pa ang panliligaw ni Alden Richards kay Kathryn na parang sa ginagawa lang naman nilang pelikula.

Tingnan natin kung ganyan pa rin pagkatapos ng showing ng pelikula nilang dalawa.

Kim, Lito sa love life?!

Nalilito pa nga ba si Kim Chiu sa kanyang love life? Noong maghiwalay sila ni Gerald Anderson, napunta siya kay Xian Lim na akala nila noong una ay team-up lamang dahil pinagsama sila ng ABS-CBN noon sa isang serye.

Pero natapos rin nang ganoon na lang ang relasyon nila si Xian.

Tapos ito namang si Kim inireto ni Vice Ganda sa naging searchee nila sa kanilang noontime show, kumakagat na sana si Kim, pero mukha ngang hindi rin naman kumagat si Attorney. Kaya nabaling naman si Kim Chiu kay Paulo Avelino. Kasi may proyekto naman sila.

Bongga si Kim.

vuukle comment

YEN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with