^

Pang Movies

Pip, na-injure ang leeg sa tennis!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Galing pa ng The Medical City si Tirso Cruz III, pero humabol sa presscon ng AKTOR. PH para sa nomination ni Vilma Santos sa National Artist for Film and Broadcast Arts. Nagpa-check up ang aktor sa neck niya na naapektuhan dahil sa paglalaro ng paddle tennis.

Kuwento nito, kinunan siya ng dugo at in-inject ‘yun sa affected neck area niya na sobrang sumakit the first time. Pinagbawalan muna siyang maglaro ng paddle tennis at kahit anong klaseng tennis pa habang nagpapagaling.

Anyway, isa siya sa board member ng AKTOR.PH at naniniwalang right time na for Vilma na ma-nominate at maproklamang National Artist. Hindi lang ang AKTOR. PH ang naniniwala rito, pati na ang plus 20 organizations na nagsusulong din sa nominasyon ni Vilma.

Kabilang sa nagsusulong ng nominasyon nito ang Star Cinema, GMA Network, Viva Communications, Regal Entertainment at marami pang iba. Naniniwala si Pip na marami pa ang susuporta sa nominasyon kay Vilma.

Sabi ng press, after Vilma, siya na ang susunod na dapat ma-nominate na National Artist, pero parang ayaw pa ni Pip. Mas dapat daw ma-nominate si Christopher de Leon.

Samantala, ayaw nang mag-comment ni Pip sa demanda sa kanya ni former FDCP chair Liza Diño. 

First time niyang mademanda, pero hindi pa rin siya nagsisi na for some time, umupo siyang FDCP Chair. 

Sa ngayon, focus uli siya sa acting, kasama siya sa cast ng Pamilya Sagrado ng ABS-CBN sa role ng uncle ni Piolo Pascual na nagpalaki sa karakter ni Piolo.

Sen. Lito, ‘di pinalampas ang kasal ng anak ni Lorna!

Matapang ang pahayag ni Sen. Lito Lapid sa pagdadawit sa kanya sa POGO operation sa Porac, Pampanga. Sabi ng Senador, “Handa ako mag-resign” kapag napatunayan daw na protector siya sa operasyon ng POGO sa Pampanga.

Kasunod nito, nilinaw ng senador na wala siyang kinaalaman sa operasyon ng POGO na inaakusa sa kanya ng isang vlogger na hindi na niya pinangalanan. Ayon sa senador, hindi niya dudungisan ang kanyang pangalan na dekada na niyang inaalagaan at iniingatang masira.

Ang senador ay nagsilbing vice-governor ng Pampanga, three-term na governor at nasa ikaapat na termino na niya sakaling manalo sa reeleksyon sa 2025 senatorial elections.

Samantala, dumalo ang senador sa kasal nina Renz Fernandezat Jef Gaitan at nag-ninong pa yata. Si Renz ay anak ni Lorna Tolentino na iniisyu kay Sen. Lito.

vuukle comment

TIRSO CRUZ III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with