^

Pang Movies

Robin, ‘di pabor sa pagiging alpha ng mga anak

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinapayuhan ni Sen. Robin Padilla ang anak na mga babae na hindi masamang maging alpha, pero aniya hindi pwedeng dalawa ang boss sa totoong buhay.

Ito ang sinabi nang kumustahin namin sa kanya sina Kylie and Queenie na pareho ngayong hiwalay na sa mister.

“Ang mga bata kasi ngayon talagang iba eh. Iba na ‘yung generation. Kasi sila Queenie, Kylie. Ano bang tawag sa kanila? Millennials ba sila.

“So itong mga millennial ngayon mga ano ‘yan eh, palaban. Palaban sila eh. Parang dati kasi ang babae parang martyr mga ganyan eh ngayon hindi, alpha eh.

“Masyadong alpha ang mga babae ngayon. Ang lagi ko lang advice sa kanila minsan okay ma­ging alpha. Ayos ‘yan.

“Tough ka, independent okay ‘yan pero nandyan pa rin ‘yung hindi pwedeng dito sa mundo na dalawa ‘yung boss.

“Siguro pagdating sa bahay ikaw ang boss pero may mga pagkakataon na ‘yung asawa mo dapat ‘yan ang boss. Hindi dapat pinagtatalunan ‘yan pero syempre iba ‘yung generation ko, iba ‘yung generation nila hanggang advice na lang tayo,” mahabang sagot ng senador / aktor nang makausap namin sa movie announcement ng Gringo: The Greg Honasan Story – An Ordinary Man Thrust Into Extraordinary Circumstances ng Burracho Films na pagbibidahan niya.

Pursigido rin ang pagtutulak niya ng divorce bill. “Sinusulong na lang natin sana maisabatas ‘yung divorce. Ang divorce kasi para sa akin protection ‘yan ng babae. Hindi ‘yan para sa lalaki makapag-asawa siya ng makapag asawa. Kalokohan! Hindi ‘yun. Ang lalaki magloloko ‘yan kung gusto niya. Hindi niya kailangan ng divorce divorce. ‘Yung babae kailangan ng babae.

“Dito sa ating society masyadong judgmental pagka lalaking ano okay pero ‘pag babae ano eh, number one tayong mag-discriminate,” dagdag na paliwanag pa niya.

Karla, tatakbong mayor sa Samar

Nakalatag na diumano ang plano ni Karla Estrada sa 2025. Ayon sa usap-usapan, kakandidatong mayor ng Sta. Rita, Samar ang mommy ni Daniel Padilla.

Ang Sta. Rita ang first town after Tacloban, Leyte.

Under siya sa team ni Partylist Rep. Yedda Romualdez.

Taga-Sta. Rita raw ang lola ng TV host at may bahay na ito roon.

Maaalalang hindi nakaupo sa Congress si Karla bilang third nominee sa Tingog Partylist. Pagkatapos nu’n ay itinalaga siya bilang consultant sa Social Services and Promotions ng Office of Speaker Martin Romualdez at ng partido.

Kaya naging active talaga si Karla sa non-showbiz activities. Pero hindi naman niya nakakalimutang i-post ang activities ni Daniel particular na ‘yung concert nito sa Pola, Mindoro na grabe naman talaga ang tao.

Aktres, nakatikim ng matinding panlalait

Sobra ang panlalait ng ibang netizens sa braso ng isang established actress. Anyare raw. Lagi naman siyang nasa beauty clinic na ini-endorse niya pero ba’t ganun, parang super lawlaw na raw at kita pa ang mga bakat na inaayos sa braso nito.

Awss. Wawa rin si actress. Parang mabait naman siya pero baka kulang din ang pakikisama niya kaya pulos nega ang lumalabas na chika sa aktres.

Mga record ng artista, napasok ng hacker

Wow grabe, pati pala records ng mga artista napasok ng hackers. Inamin nga niya sa TV Patrol na pinasok niya rin ang account ng mga celebrity sa Belo Medical Group.

Na-curious lang daw siya.

Ayon sa National Bureau of Investigation, nakuha ng hacker ang mga pangalan ng mga kliyente gayundin ang kanilang mga address, edad, contact number, birthday, credit card o bank account number, email address, at iba pa.

Massive kung totoo toh ha.

Sinabi nga ng hacker na ito na pinangalanang Kangkong, na-hack daw niya ang 93 websites ng gobyerno at private companies. Hindi lang niya sinabi kung kasama ang Belo Medical Group doon.

Ang nakakagulat, ba’t kaya nakakapagpa-interview pa siya?

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with