^

Pang Movies

Janella nagluluksa, namatayan ng ahas!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Janella nagluluksa, namatayan ng ahas!
Janella

Nagluluksa ang singer-aktres na si Janella Salvador sa pagkamatay ng kanyang alagang ahas na pinangalanan niyang Valentino.

“absolutely heartbroken. will surely miss you, Valentino,” caption niya sa kanyang ipinost na litrato kasama ang kanyang alaga at may kasamang heartbroken emojis.

Maaalalang nagsimulang magkaroon ng pet na ahas ang aktres noong panahong gumanap siya bilang Valentina sa seryeng Darna na pinagbidahan ni Jane de Leon noong taong 2022.

Sinabi raw niya na ‘pag nakuha niya ang role ay kukuha siya ng ahas kaya ganon na nga ang nangyari nang mapasakanya ang karakter ni Valentina.

Bata pa lamang daw siya ay animal lover na siya. Meron na raw talaga itong ahas sa bahay pero nakatakas ang isa.

Dalawa ang alaga nitong ahas na sina Versace at Valentino.

Paalala pa niya ng mga panahong iyon na mag-alaga lamang ng ahas kung kaya, at huwag nang ituloy kung hindi.

Bukod dito ay nagpa-tattoo rin siya ng ahas para sa kanyang iconic role.

Kaya naman ganon na lamang ang lungkot ng nanay ni Jude nang mamatay ang alaga niya.

‘Sweet at Approachable’

Sa lahat ng political family, ang Villar ang masasabi mo na pinaka-friendly.

Pagkatapos sweetheart pa ng press people sina Camille Villar at Mark Villar. Hindi lang masyado si Paolo dahil nasa business side siya.

Kaya naman talagang kahit siguro pasukin ni Camille Villar ang Senado sure ako na magiging madali para sa kanya dahil meron na siyang relationship sa maraming tao at botante.

Admirable ang pagiging sweet at approachable ni Camille Villar sa lahat ng tao, iba’t ibang status o level.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with