Hindi karaniwang isinasapubiko kung sinu-sino ang mga nominated bilang national artist. Iyon ay upang bigyang laya ang Pangulo ng Pilipinas na magpahayag kung sino ang gusto niya, after all siya naman ang gagawa ng deklarasyon sa pamamagitan ng isang EO, hindi naman ang nag-nominate.
Iniiwasan din ang mapahiya ang nominee kung i-reject siya ng Pangulo. Maliwanag ang utos ng Korte Suprema, hindi maaaring magdagdag ang Pangulo sa listahan ng mga nominated national artist, pero prerogative niya ang mag-reject kung sa tingin niya ay hindi karapat-dapat ang nominees.
Ngayon bagama’t hindi naman dapat nag-leak sa CCP na nominated si Vilma Santos para maging national artist din, sinasabi nilang ok lang naman iyon dahil wala namang dahilan para ma-reject si Vilma.
Ang kabuuan ng listahan ay makukumpleto pa sa katapusan ng buwan kung kailan itinakda ang deadline para sa nominasyon. Hindi na malalaman ng publiko kung sino ang iba pang nominees. At kahit na sinasabing pasok na siya, may humabol pang nag-nominate sa kanya, ang bagong tatag na samahan ng mga artista sa pelikula at telebisyon, ang Aktor na pinamumunuan ni Dingdong Dantes at binubuo ng mga sinasabi nilang mga progresibong actor.
Hindi na kailangan ang iba pang nominasyon pero nagpapatibay iyon sa mga naunang nominasyon na naisumite na at napag-aralan ng joint committee ng CCP at NCCA.
Natutuwa naman ang fans, kasi kung magiging national artist nga naman si Ate Vi, kailangang pangatawanan niya iyon.
Elijah, napagkakamalang bading!
Ano nga ba ang pakialam ninyo kung si Elijah Canlas ay bading o hindi? Sinabi niyang hindi siya bading, pero aminado siyang napagkakamalan siya dahil sa roles na nagawa niya sa pelikula. Kaya sabi nga niya, iyong roles na iyon sa paniwala niya ay magagampanan nang mas mahusay ng mga artistang tunay na bading.
Hindi ba ang mahalaga ay kinikilala siya bilang isang mahusay na actor kagaya ngayon isa siya sa nominees sa Eddys, iyan ang award na hindi nabibili at hindi nababayaran.
Pero marami ang nagsasabing magaling siya at naniniwala kami roon dahil kung hindi, hindi iyan mano-nominate sa Eddys.
Dolphy, naging malinis sa pagpapatawa
May isang lumang video kung saan kasama nina Tito, Vic and Joey ang hari ng comedy na si Dolphy. Kung hindi kami nagkakamali iyon ay noong 25th year ng Eat Bulaga kung kailan naging guest nila si Mang Dolphy. Ang joke ay iyong translation ng mga kanta kagaya ng ginagawa nila noon ni Panchito.
Iyan ang tunay at lehitimong comedy, pinatatawa ang mga tao sa malinis na paraan walang kabastusan, at walang paninira sa kanilang kapwa.
Iyan ang klase ng comedy na mapanood man ng mga bata ok lang. Hindi kagaya nung style of comedy ngayon na talagang dapat SPG hindi dapat mapanood ng mga bata.