Nasa relaxed na lugar na raw ang relasyon nina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo.
Ayon sa aktor, going strong and doing good daw ang pagsasama nila ng former beauty queen
“We’re happy. Suportahan kami. Mas relaxed na kami and I think lahat naman dumadaan sa relationship na medyo bumpy.”
Mas open na raw ang communication nila sa isa’t isa at nabawasan na raw ‘yung selos sa relasyon nila.
“Lahat naman siguro nakakaranas ng selos. And I understand kasi love namin ang isa’t isa. Tiwala lang sa partner at pinaglalaban namin parati ang isa’t isa,” sey ni Jeric na kasama sa Widows’ War ng GMA Prime.
Hollywood legend, may alzheimer
Ang Hollywood screen legend na si Gena Rowlands ay na-diagnose with Alzheimer’s disease.
The 94-year-old two-time Oscar nominee na may career na tumagal ng seven decades ay nakilala sa kanyang mga pelikulang A Woman Under The Influence, Gloria, Opening Night, Another Woman and The Notebook kunsaan gumanap siya bilang babae na may dementia.
Ang actor-director na si Nick Cassavetes ang nag-share ng balita tungkol sa kalagayan ng kanyang ina.
“I got my mom to play older Allie, and we spent a lot of time talking about Alzheimer’s and wanting to be authentic with it, and now, for the last five years, she’s had Alzheimer’s. She’s in full dementia. And it’s so crazy — we lived it, she acted it, and now it’s on us.”
Ang ina pala ni Gena na si Lady Rowlands ay nagkaroon din ng naturang sakit.
“I went through that with my mother, and if Nick hadn’t directed the film, I don’t think I would have gone for it — it’s just too hard. It was a tough but wonderful movie,” sey ni Gena sa isang 2004 interview with O magazine.
Huling siyang napanood sa big screen in 2014 sa pelikulang Six Dance Lessons in Six Weeks. In 2015 ay ginawaran siya ng Honorary Oscar.