Maraming nakapansin na nag-iba na naman ang hitsura ni Arci Munoz.
Ngipin naman daw ang pinaayos ng jetsetter na actress.
Kaya naman ang payo sa kanya, tantanan na ang pagpapaayos niya dahil pati raw boses, napansin nilang nag-iba na.
“Arci stop doing your face. Napaka ganda mo hindi mo na kailangan ng enhancements please be you again. This is too much... Ako hindi kagandahan pero masaya sana.. ikaw din.. sana makita mo rin ang nakikita namin sayo ngaun before it’s too late.”
Ayon naman sa isang netizen “Ganda nya dati bakit na iba na nman ngipin labi ano”
Dagdag naman ng isa pa : “halos dina makilala ang dating arce munoz..pati boses iba na...”
Laos na ‘yung dialogue na walang basagan ng trip, pero buhay niya ‘yun so hayaan natin.
Sam Milby, critical ang sugar level!
Aww diabetic na pala si Sam Milby.
‘Di naman siguro hacked ang account niya sa Instagram nang i-post ng actor ang sugar level niya na sobrang taas sa normal level kaya pinaalalahanan niya ang lahat na magpa-check up kaagad.
Forty years old lang si Sam.
Aniya sa post : “Akala ko healthy akong tao. Di naman ako sweet tooth, bihira din mag junk food, pero last year nalaman ko na may type 2 diabetes na ako. Mga magulang, lola’t lolo ko wala. I just wish nagpa check up ako nang mas maaga nung pre diabetes pa ako kasi pwede pa ireverse. Payo ko - don’t ignore the symptoms (my main symptoms - laging nauuhaw at madalas mag pee) at magpacheck up regularly.
“#diabetes.”
Gulat nga ang kanyang followers sa ipakita niyang 525 na sugar level, critical blood sugar na raw ‘yun, kaya worried sila.
Pero kung nagsalita si Sam ng tungkol sa kanyang health condition, consistent na tikon ang bibig niya sa break up nila ni Catriona Gray na bagong binyag.
Wala talaga siyang sinasabi na kahit ano.
Cherry Pie, proud sa anak
Proud mommy si Cherry Pie Picache.
Nakatapos na ang anak niya ng Legal Management. Pwedeng mag-lawyer kumbaga.
Aniya sa kanyang post : “Yahoo!!!! Congratulations anak!!! Husay mo!!!!
“Graduate!!! Bachelor of Science in Legal Management!!! Grabe!!! Ang sarap sarap sabihin at ang sarap sarap sa puso. I must have done something good to be blessed with a son like you. A student- athlete since prep. Difficult. Remember anak? Lots of homework, late nights. Nevertheless, excelled in both Though more importantly, you never cease to amaze me every day as I continue to witness you grow into a human being who is kind, committed, empathetic, patient, stubborn in the right places????, loving and God fearing. Maraming maraming salamat anak!!! Truly I am thankful, grateful and a blessed mother. Continue to soar high into the real world my love and please know that Inay will always be, always be behind you all the way!!! To the moon and back and back again.
Ateneo de Manila, and all his angels on earth, forever grateful for the Tennis scholarship, care, lessons and values you have blessed my son with. #AMDG #WeprayMamaMary #constantlytrue #Mamalook #Thankyouma #rockenroll”
Jed, tumangging makipag-showdown kay Stell
TUMANGGING makipag-showdown si Jed Madela kay Stell ng SB19 tho positibo niyang tinanggap ang pagkukumparang ginagawa ng netizens sa kanila.
Sa mediacon kahapon ng 47th birthday concert niyang Welcome to My World na ginanap sa Tipsy Pig, Timog Ave., QC, nilinaw ng WCOPA grand champ na mas ok kung collaboration ang gagawin nila ni Stell para hindi maging mitsa ng awayan ng fans.
Nakarating din sa kanya ang reaksyon ng ina ni Charice na katimbre ng boses niya si Stell, na instant favorite sa katatapos na David Foster concert dahil sa pagbirit ng All By Myself nito.
“Oh, yeah, he’s amazing! He’s very, very good! Ang galing ng range niya, grabe! Grabe ‘yung range niya, I remember myself 20 years ago, hahaha! Ganundin, but you know, I’m just so happy that there are more avenues for artists like Stell. Kasi dati, ‘pag sinabing balladeer, kailangan Martin Nievera-sounding, Gary V- sounding, ‘di ba?
And now, we have a lot of, you know, nagiging diverse na ‘yung sound ng balladeer ngayon. So, yeah, I watched his performance sa David Foster concert, ang galing! I watched his performance sa, I think he guested in Erik Santos’ concert in the US.
“Tuluy-tuloy na ‘yan kasi he’s very good. And as long as, you know, you really stick to your core, tuluy-tuloy ‘yan,” pahayag ng Kapamilya singer.
Paliwanag singer sa mina-manifest na showdown nila, “Collab na lang, wala nang showdown-showdown. Ito kasi, it’s just so funny kasi, you know, we have this tendency of pitting artists against each other na, you know, sinong mas magaling, sinong mas mataas ang boses, sinong mas pogi, sinong mas payat.
Dagdag niya pa: “It all ends up with everybody fighting, ‘di ba? so if it’s going to be a collaboration for something beautiful and everybody will enjoy, the fans of Stell, the fans of Jed Madela will enjoy, mas masaya, di ba? Kesa, ‘eh, mas magaling si Jed sa part na ‘yon,’ ‘mas magaling si Stell sa part…’ it’s just going to be the negative effect sa mga fans, mag-aaway-away. So, ako, as much as possible, I just want everybody to be at peace. Mag-enjoy tayo, let’s… you know, kasi at the end of the day, ‘yung bashing, pag-aaway, wala ring kapupuntahan. May masasaktan lang, may masasaktan. So, collaboration would be a good idea.”
Original material naman ang gusto niyang pagsaluhan nila ni Stell sa performance.
“Somebody has to, you know, write an original song that’s going to be tailor-fit for our voices. Kasi, oo, mataas boses naming dalawa, but it’s not the same. I mean, iba ‘yung quality ng boses ni Stell, iba rin ‘yung akin. So, it has to be tailor-fit for our voices. But ‘pag cover, siguro… All by Myself? Hahaha! Nagulat nga ako, binalik nila ‘yung All by Myself ko sa ASAP nu’n, eh. Ni-resurface na naman. Siyempre, may nagdikit na naman, kinompare, ayan na, nagsimula na naman ‘yung away. Com’on guys!” pagdidiin ni Jed kahapon sa interview.
Twenty years na siya sa music industry pero aminado siya na hindi niya inasahan ang mga nangyayari sa career niya sa loob ng mahabang taon na ‘yun.
Tulad na nakaka-duet niya sina Martin, Regine Velasquez, Lea Salonga, atbp.
Hindi raw niya inakala na makakasabay niya sa isang stage ang mga iniidolo niya mula bata siya.
“Du’n sa mga hindi nakakaalam, it was never a plan for me to get into showbiz. Hinahangaan ko lang itong mga ito, sina Sir Martin, Miss Regine, Miss Lea, everybody. But for me to be sharing the stage with them, hanggang ngayon, nagpa-fanboy pa rin ako. I still get startstruck and whenever they say things like that, eyyy, nakakahiya! I’m very, very happy that they’re not just my idols, but they’re also my friends,” kwento pa ni Jed sa mga kausap na entertainment press kahapon.
Samantala, bilang paghahanda sa Welcome to My World birthday concert na gaganapin sa Music Museum sa July 5, mas conscious na sa siya sa kanyang health.
Ayon sa singer, everyday ay nagpapapawis siya.
Wala na man siyang hindi kinakain pero maingat na siya sa mga pagkain.