^

Pang Movies

Scarlet, mala-fairy tale ang pamamasyal sa Spain!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Scarlet, mala-fairy tale ang pamamasyal sa Spain!
Scarlet, Hayden at Vicki
STAR/File

Ang bongga naman ng daughter nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho na kasalukuyang namamasyal sa Spain base sa kanyang post.

Ibinahagi ni Scarlet ang mga litrato nila sa kanilang ‘fairy tale adventure’ sa Toledo, Spain.

Ang gaganda ng mga litrato nila at ng lugar kaya walang duda na tinawag niya itong ‘best adventure ever’ kung saan nasarapan din siya sa churros.

“Toledo, Spain is like a real-life fairy tale! With castles, cobblestone streets, and yummy churros, it’s the best adventure ever!” caption nito sa kanyang post.

Enjoy nga ang pamilya nila sa pamamasyal at sa murang edad ay napakarami nang bansa ang napuntahan ng bagets.

Ilan nga sa huling nilang pinuntahan ay sa Norway para sa Arctic adventure habang nag-enjoy naman siya sa mga hayop sa Kenya, at sa snow sa Japan.

Samantala big girl na ang only daughter nina Dra. Vicki at Hayden at lumulutang lalo ang ganda nito habang nagdadalaga.

Mas nagiging kamukha raw ito ng kanyang daddy habang lumalaki ayon sa netizens.

At ngayon pa lang ay may dream school na ito, sa Oxford University, na wish din ng daddy niya, na ipinost niya nang bumisita sila roon.

Pero mukhang iba ang gusto ng kanyang mommy dahil komento nito ay tila sa Harvard nito gustong mag-aral ang anak.

Na hindi imposible dahil napaka-talented nito at maganda pa.

vuukle comment

DRA. VICKI BELO

HAYDEN KHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with