John Lloyd, tinapos na ang tampuhan kay Direk Bobot!

Direk Bobot at John Lloyd
STAR/File

Magtatanong pa sana ang fans kung okay na sina John Lloyd Cruz at Direk Bobot Mortiz dahil binati ng aktor ang director dahil siya ang director nang nagbabalik na Goin’ Bulilit. May tsika kasing nagtampo si direk Bobot dahil tinapos ni JLC ang comedy show nilang Happy ToGetHer sa GMA 7 kahit hindi pa dapat magtapos.

Well, binati at kinongratulate ni JLC si direk Bobot sa bagong show at ang sabi, “Congrats po @direkbobot sa paparating na pagbabalik ng Going Bulilit sa tv. Tiyak marami na naman po kayong mapapasaya at matutulunganga mga bata at pamilya. Sigurado pong magiging panalo sa ratings ang inyong programa dahil subok na ang husay ng inyong mga alaga at staff. Sana po’y maging instrument hindi lang ng paghahatid ligaya sa mga tahanan kundi maging inspirasyon din kayo ng mga chikiting na sa inyong programa ay mahuhubog ang kamalayan at pagpapahalaga sa kabutihan at kahalagahan ng respeto at tunay na pakikipagkapwa tao. Lahat po ng ito, at higit pa ay natutunan ko rin mula sa inyo. Maraming salamat po direk at muli, congratulations sa pagbabalik ng Going Bulilit!”

Sumagot si direk Bobot sa post niya na ‘yun ng “Salamat! Hope to see you soon!” at sa komento na ito ni direk Bobot, tinapos ang isyu kung may tampuhan ba ang dalawa.

David, ang lakas ng face card!

In demand endorser talaga si David Licauco dahil pati Efficascent Relaxsent Oil ay kinuha siyang endorser. Walang ka-effort-effort ang pagpo-promote niya ng produkto na marami ang gumagamit. Naka-white t-shirt lang siya, tumayo at ang location pa yata ng photo shoot ay sa kanyang Kuya Korea restaurant niya.

Ganu’n kalakas na endorser ito, face card at pangalan lang nito, bumebenta na ang produkto.

Sana, mag-translate sa pagiging box-office hit ng movie nila ni Barbie Forteza na That Kind of Love ang lakas ng karisma ni David sa tao.

Sa July 10, 2024, na ang simula ng showing ng TKOL, ang romance-comedy movie sa direction ni Catherine Camarillo mula sa script ng anak niyang si Ellis Catherine at produced ng Pocket Media Films in cooperation with Happy Infinite Productions.

Cedrick, bibida na!

Ang Media Quest ang management ni Cedrick Juan at naalala namin, pumirma siya ng management contract, kaya heto at bibigyan na siya ng lead role sa TV5. Ibinalitang bibida ang MMFF 2023 Best Actor sa isang bagong serye ng TV5 na may pamagat na Ang Himala ni Niño.

Makakasama niya sa bagong series ng TV5 ang ilang bagong child stars na diniskubre ng TV5 at baka pati ng MediaQuest. Ngayong 2024 daw ang airing ng series na magpapaiyak sa televiewers.

Show comments