Alam mo, Salve A., mahirap sa part ng Kapuso matinee idol na si David Licauco na aminin ang tunay niyang nararamdaman sa kanyang ka-loveteam na si Barbie Forteza dahil ‘pag-aari’ na ito ng kanilang kapwa Kapuso actor na si Jak Roberto.
Although parehong professional sina Barbie at David pagdating sa kanilang trabaho at bilang magka-loveteam, imposibleng hindi ma-fall ang guy sa babae or vice versa dahil constant silang magkasama sa tapings and shoots maging sa promo ng kanilang TV series and their upcoming first movie na That Kind of Love na nakatakdang ipalabas sa darating na July 10.
Sa grand presscon ng movie na ginanap sa Plaza Ibarra in Timog, Quezon City last Thursday, tila na-pressure ang tsinitong actor nang ito’y tanungin sa kanyang tunay na nararamdaman for Barbie.
“Siyempre hindi naman nawawala ‘yon pero alam naman nating lahat na meron nang special someone si Barbie at kailangan nating irespeto ‘yon,” paliwanag niya.
Aminado sina Barbie at David na mas madali sa isang loveteam kung sila rin sa totoong buhay dahil madalas na silang magkasama pero hindi nga puwede dahil meron nang Jak Roberto ang young actress.
Kung nagkataon bang wala si Jak sa buhay niya ngayon, posible bang mainlab si Barbie kay David.
“Sa ngayon ay hindi ko po masasagot ‘yan kasi wala ako dun sa sitwasyon,” niya.
Lorna, rumampa!
Sina Lorna Tolentino, Jamie Rivera, Glenda Garcia at Glenda de la Cruz ang naging kinatawan sa apat na magkakaibang collection ng Wacoal lingerie and underwear sa kanilang ika-35th anniversary celebration sa pamamagitan ng gala night at fashion show na ginanap sa Grand Ballroom 1 ng Okada Manila in Parañaque City last Thursday evening.
Bukod sa apat at mga professional ramp models, bukod tanging si Sheryn Regis ang mag-isang singer-performer sa nasabing okasyon na dinaluhan ng maraming celebrities tulad nina Janice de Belen, Gelli de Belen, Candy Pangilinan, Elizabeth Oropesa, Dulce, Marissa Sanchez, Nadia Montenegro and her youngest daughter na si Sofia, Glaiza de Castro, Gladys Reyes, Melissa Mendez, Eva Darren at iba pa. Dumalo rin sa nasabing okasyon ang top bosses from Japan kung saan nagmula ang Wacoal since 1949.