Siguro nga napakahirap tanggapin para sa isang nanay na kagaya ni Raquel Pempengco ang sinasabi ng mga taong mas mahusay ang rendition ni Stell Ajero ng SB19 ng kantang All by Myself na pinasikat si Celine Dion at kinakanta rin noon ng kanyang anak na si Charice Pempengco na ngayon ay mas kilala nang Jake Zyrus.
Ang pagiging isang mahusay na artist ay hindi lamang dahil sa ganda ng boses, kailangan din ang disiplina at tamang attitude.
Noong nagsisimula nang lumaki ang pangalan ni Charice, hindi ba ang pinairal niya ay ang kanyang pagiging lesbian, nakipag-live in sa isang babae na pati magulang nga niya hindi na kinilala.
Dahil nasira na ang boses niya kalalaklak ng hormones para magmukha siyang lalaki nawala na rin ang sumusuporta sa kanya. Tapos kakantiyawan pa ng nanay niya si David Foster at sasabihing kahit na kanino ipakanta ang mga awitin niya walang makakakanta noon nang mahusay kundi si Charice?
Pero sino ba may kasalanan?
Ang nanay niyang si Raquel? Bakit hindi niya dinisiplina ang anak niya noong panahong nagwawala at ngayon humihirit siya na may makakagawa pa bang iba at mas magaling pa sa anak niya?
Huli na para makabawi si Charice. Marami na siyang kalaban.
Pokwang, naloka sa ginawa ng baguhang singer
“Choreographed iyon kuya,” sabi ni Sheena Palad sa ginawa niyang pagkutos at panunulak sa singer na si Rica Mae Maer, kaya ang tanong namin sino naman ang director na mag-uutos sa kanya nang ganoon?
Mas naging maliwanag lang sa amin nang malaman namin na iyon pala ay sa isang contest doon sa TikToClock na Beat my Birit. Ang sabi naman ng production, naka-live raw sila noong araw na iyon kaya hindi na-edit ang ginawa ni Sheena. Kung taped sana sila maaalis iyon.
Ang director ng TikToClock ay si Louie Ignacio, hindi kami maniniwalang iniutos iyon ng director o ng sino mang choreographer ng show na gawin niya dahil iyon ay pagpapakita ng masamang asal at hindi nababagay sa audience ng show nila.
Nahuli pa ng camera sa isang video ang host ng show na si Pokwang na tila nagulat at nabigla rin sa ginawa ni Sheena. Ngayon ano mang katuwiran ang sabihin niya, maba-bash siyang talaga.
Sana huwag namang dumating pero sa tingin namin dapat na disiplinahin ng OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit) ang isang singer na ganyan, na puro palpak na hindi pang professional ang pinakikitang ugali kahit hindi siya miyembro ng nasabing organisasyon.
Barbie, kailangan pa ng push!
Ano ang comparison kina Kathryn Bernardo at Barbie Forteza? Hindi naman sila equal footing mataas na ang level ni Kathryn na nanalo ng best actress at box office queen pa, kumpara kay Barbie na nagsisimula pa lamang halos.
Bet ng ABS-CBN si Kathryn, si Barbie naman sa GMA 7 pero sa totoo lang mabagal ang development sa GMA kumpara sa ABS-CBN noon.
Sa totoo lang, sa dalawa ay mas kakilala namin at naging kaibigan si Barbie. Nagsimula iyan nang minsang dumalaw sila sa isang theme park noon, nakilala namin sila ng kanyang partner pa noong si Joshua Dionisio. Matagumpay naman ang kanilang love team, pero ang ambisyon ni Joshua ay makatapos ng kanyang pag-aaral, kaya tumigil muna sa pag-aartista. Si Barbie naman ay nagpatuloy.
Sa totoo lang naging malapit din sa amin si Barbie, at may isang pagkakataong, pagkatapos kaming hindi nagkikita nang matagal na panahon nagulat na lang ako nang may pasigaw na tumawag sa amin sa isang supermarket habang kami ay namimili si Barbie pala, na namimili rin sa supermarket kasama ang father niya.
Palabati si Barbie, maganda ang ugali. May talent at kakayahan si Barbie para ilaban kay Kathryn, pero ba’t hindi pa siya nabibigyan ng tamang na buildup samantalang si Kathryn kung sabihin nila superstar na.