Never pa palang nagkasama sa isang teleserye sina Jackie Lou Blanco at Jean Garcia. Kaya sa Widows’ War daw magaganap ang ilang bardagulan nila dahil pareho silang palaban na ina.
“Mga nene pa kami ni Jean when we were hosting GMA Supershow. And through the years na parati kaming nagkikita sa iba’t ibang shows dito, never pa kaming nagsama sa teleserye. Kaya excited ako na makaeksena si Jean. Ready ako sa mga sampal niya!” sabay tawa ni Jackie.
Ginagampanan ni Jackie ang role na Ruth na isang materyosa at social climbing mom ni Carla Abellana. Natuwa raw ang aktres sa binigay na role dahil napaglalaruan niya ito.
Dahil sunud-sunod ang teleserye ni Jackie, wala raw siyang time to think of dating: “I never tried dating. Parang nasa happy place na ako. Masaya na ako with work, my health, my kids, my grandkids and with myself. I thank the Lord for everything in my life.”
Jaya, lola na!
Lola na si Jaya! Sa latest post ng Queen of Soul via Instagram, karga nito ang kanyang unang apo na si Grayson Gage.
Sinilang si Grayson noong June 18. Ang ama nito ay si Gavin na anak ng mister ni Jaya na si Gary Gotidoc sa dating karelasyon. Tinuring ni Jaya na anak din niya ito.
“We welcome you with so much joy and so grateful that I get to be your Lola. And Gavin, and Athena, I am so proud and happy for you two. You did it, and did it well,” bahagi ng caption ni Jaya.
Taong 2021 noong magdesisyon si Jaya at Gary na sa US na manirahan kasama ang kanilang mga anak.
Tinalikuran pansamantala ni Jaya ang kanyang showbiz career para maasikaso ang pamilya sa Amerika.
British actor, nahulog sa stage!
Tinakbo kamakailan sa emergency room ang British actor na si Sir Ian McKellen pagkatapos maaksidente sa gitna ng kanyang performance sa Noël Coward Theatre in London.
Nahulog sa stage ang 85-year-old actor habang ginagawa nito ang fight scene sa play na Player Kings.
Nasa recovery stage na raw ang two-time Oscar nominee na nakilala bilang si Gandalf the Grey sa The Lord of the Rings movies at bilang Magneto sa X-Men film series.