Bianca at Ruru, walang planong magsama na ‘di kasal

May respeto sa kanilang relasyon sina Bianca Umali at Ruru Madrid kaya never daw nilang naisip na mag-live in.

Ginagalang nga raw ng Kapuso couple ang mga patakaran ng kanilang relihiyong Iglesia Ni Cristo.

“Pero sa ngayon, especially that we are in our religion as well, it’s not tolerated to live inside one roof nang hindi kayo kasal. And we honor that. Ako rin po, alam ko na I am reserving myself for that person who I know will love me forever. Alam kong si Ruru ‘yon. Alam kong dadating kami roon,” sey ni Bianca.

Tulad ng ibang magkakarelasyon, dumaan din daw sa ilang pagsubok ang samahan nila. Diin ni Ruru, may dahilan kung bakit nangyayari iyon.

“Ngayon kahit ano po ang mga nangyayari sa amin, doon mari-realize na lahat may dahilan kung bakit kailangan nating pagdaanan ang mga unos na ‘yon kasi ito pala ang kapalit noon, kung ano ‘yung mga tinatamasa namin ngayon.”

Zoren, nabuhay ang career sa pagdidirek

Bumalik sa pagdidirek sa TV si Zoren Legaspi para sa anak na si Cassy Legaspi.

Dinirek ng aktor ang rom-com episode ng Regal Studio Presents: Fishing for Love kunsaan kasama ni Cassy ang Sparkada na si Michael Sager.

Naging direktor noon si Zoren sa ilang shows ng GMA tulad Wag Kukurap, FantastiKids, Fantastic Man, Atlantika at Magpakailanman.

Tawag nga raw ni Cassy sa kanyang Tatay Zoren sa set ay Direk: “Dito, bawal, ‘Pa, pa,’ bawal. Dapat, ‘Direk, may question po ako, direk.’”

Positive naman ang mga nasabi ni Zoren sa performance ni Michael.

“He’s okay kaya kung mapapanood nila dito, talagang matutuwa sila sa dalawa, promise ‘yan,” sey ni Zoren na direktor na rin ng talk show na Sarap, ‘Di Ba?

Hollywood actor Donald Sutherland, namaalam sa edad na 88

Pumanaw sa edad na 88 sa Miami, Florida ang premyadong Hollywood actor na si Donald Sutherland.

Galing ang balita sa anak niyang si Kiefer Sutherland: “With a heavy heart, I tell you that my father, Donald Sutherland, has passed away. I personally think one of the most important actors in the history of film. Never daunted by a role, good, bad or ugly. He loved what he did and did what he loved, and one can never ask for more than that. A life well lived.”

Nakilala si Donald ng bagong henerasyon bilang si President Snow sa The Hunger Games film franchise. Ilan sa mga memorable performances niya ay mula sa mga pelikulang Die! Die! My Darling!, The Dirty Dozen, Klute, Don’t Look Now, 1900, Ordinary People, A Dry White Season, Six Degrees of Separation, A Time to Kill and Pride & Prejudice.

Huli niyang nagawang TV series ay Lawmen: Bass Reeves in 2023.

 

Show comments