^

Pang Movies

Sexy star, bet si Cong. Sandro!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Sexy star, bet si Cong. Sandro!
Robb

Handang ma-bash ng Unang Tikim sexy star ng Vivamax na si Robb Guinto sa kanyang pag-amin na crush niya ang Presidential son at Ilocos Norte congressman na si Sandro Marcos lalupa’t nali-link ito ngayon sa baguhang talent na si Alexa Miro.

Ayon kay Robb, “Wala naman sigurong masama ang pagkakaroon ng crush ng isang tao sa iba, regardless kung babae ka man o lalake.”

“Crush ko si Congressman Sandro dahil sa pagiging matalino niya,”dugtong pa ng Vivamax star na loveless sa ngayon after four-year relationship sa isang Korean guy. 

Sa ngayon ay gusto muna niya na mag-focus sa kanyang career bago ang pagkakaroon ng boyfriend dahil may goal siyang tapusin ang kanyang ipinapatayong bahay in Imus, Cavite for herself. Kapag natapos ito ay isusunod naman daw niya ang bahay para sa kanyang father na hiwalay na sa kanyang ina pero magkaibigan umano ang kanyang estranged parents hanggang ngayon.

Goal-oriented siya at alam niya ang kanyang prio­rities sa buhay.

Nagpapa-sexy man daw siya sa kanyang mga pelikulang napapanood on Vivamax streaming app, gusto rin niyang makilala siya bilang isang mahusay na actress balang araw. 

Natutuwa rin siya dahil kahit napapanood siyang nagpapa-seksi sa Vivamax ay napapanood din siya ng general public sa primetime hit TV series ng GMA, ang Black Rider na pinagbibidahan ng Kapuso actor na si Ruru Madrid.

“Sana makagawa rin ako ng mga pelikula na mapapanood naman sa mga sinehan,” asam pa niya na unang nangyari sa comedy movie na Itutumba Ka ng Tatay Ko, na pinagbibidahan at directorial debut ng singer-songwriter at actor-comedian na si Janno Gibbs kasama ang dating childstar na si Xia Vigor.

Rhen, pinalakpakan 

Napakahusay ng Viva star na Rhen Escaño na siyang pangunahing bituin sa kanyang kauna-unahang action-drama movie na Karma na palabas ngayon sa mga sinehan.

Pinalakpakan ang performance niya sa Karma na pinamahalaan ni Albert Langitan under Happy Infinite Productions in cooperation with Mobeous Films na ipinamamahagi ng Viva Films during the Red Carpet Premiere ng pelikula sa Cinemas 6 & 7 ng SM North EDSA last Tuesday evening.

Sina Rhen at Direk Albert ay unang nagkatrabaho sa FPJ’s Ang Probinsyano nung 2015 at dito nakita ang potential ng mahusay na actress na puwede itong maging isang female action star.

Matagal-tagal mang panahon ang ipinaghintay ni Direk Albert na makagawa ng isang revenge-themed action movie na pagbibidahan nito, naisakatuparan naman ito sa pamamagitan ng Karma kung saan tampok din sina Roi Vinzon, Sid Lucero, Paolo Paraiso, Krista Miller at kung saan din may special participation ang actor na si Cris Villanueva at iba pa.

Bago ang Karma, si Rhen ay nagmula sa kanyang hit horror movie naMarita na tumagal ng isang buwan sa mga sinehan.

Si Rhen ay isa sa mga alaga noon ng yumaong star builder at Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno sa Walang Tulugan with the Master Showman kung saan niya naging mga kasamahan sina Sanya Lopez, Ken Chan, Jak Roberto, Jake Vargas, Buboy Villar at marami pang iba.

Krista Miller, sumadsad dahil sa pinagbabawal na gamot!

Aminado ang sexy star na si Krista Miller na maganda ang kanyang role sa revenge-themed action movie na Karma na pinagbibidahan ni Rhen Escaño dahil sa unang pagkakataon ay napasabak umano siya sa mga action scenes.

Tulad ni Rhen, pinaghandaan ni Krista ang kanyang role sa Karma laluna pagdating sa fight scenes at paghawak ng baril.

Samantala, hindi ikinakaila ni Krista na marami umano siyang napulot na aral sa madilim na bahagi ng kanyang buhay kung saan ay naranasan niyang makulong dahil sa droga at a time na ipinagbubuntis niya ang kanyang pangalawa at bunsong anak.

“Sumadsad po talaga ako,” pag-amin niya nang ito’y aming makapanayam sa aming online talk show, ang TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel.

“Ni pambili ng turon ay wala ako,” aniya.

Ang masamang panaginip ngayon ay ayaw nang balikan ni Krista na naging controversial din noon na may kinalaman sa paghihiwalay ng celebrity couple na sina Cesar Montano at Sunshine Cruz.

vuukle comment

VIVAMAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with