MANILA, Philippines — Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood sa Pamilya Sagrado, na nakakuha ng 443, 269 peak live concurrent views sa Kapamilya Online Live at trending din sa social media para sa pilot episode nito noong Lunes (Hunyo 17).
Bukod pa sa napapanood ito gabi-gabi ng 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC.
Pasabog agad ang unang episode kung saan ipinakita ang mainit na komprontasyon nina Moises at Justin (Kyle Echarri at Grae Fernandez) na nauwi rin sa pagiging magkaibigan ng dalawa matapos ipagamot at pakainin ni Justin si Moises.
Ipinakilala na rin sa mga manonood ang karakter ni Piolo Pascual na si Rafael Sagrado, ang ama ni Justin na maraming itinatagong baho sa kabila ng kagalang-galang na imahe nito.
Sa social media, pinuri ng netizens ang serye para sa pangmalakasang akting na ipinamalas ng cast at sa nakakapangilabot na kwento na may temang pulitika at pagiging parte ng isang fraternity.
Baguhang singer, lumebel sa mga bigatin!
Ganda pala ng boses ng 18-year-old singer na si Elisha Pontanares.
Narinig namin siyang umawit sa ginanap nominees announcement ng Entertainment Editors’ Choice Award or mas kilalang The EDDYS last Friday na ginanap sa Valencia.
Kaya naman chinika namin siya.
“I’m obsessed with Broadway musicals like Hamilton, Les Miserables, Cats, and Miss Saigon.
“I also loved ballads by artists such as The Carpenters, Whitney Houston, Mariah Carey, David Pomeranz, Celine Dion, Tamia, and The Beatles. Additionally.
“I grew up listening to OPM icons rin because of my parents like Rey Valera, Marco Sison, Dulce, Juris, Nina, Kyla, Donna Cruz, Sharon Cuneta, and Sampaguita,” aniya nang tanungin namin kung sinong mga impluwensya niya.
Nauna nang nanalo sa Asia’s Best Season 2 and the Euro Talent Festival-Star Rain Cup si Elisha, kaya naman pala malinis ang hagod ng boses niya.
Ang Echo Jam Productions ang tumutulong sa kanya para mas i-push pa ang career.
At sa isang baguhan, suwerte siya dahil marami na agad siyang nakasamang mga bigatin.
“When I was the guest performer for OPM icons and divas like Mr. Rey Valera, Dulce, Marco Sison, Apo Hiking, Gerald Santos, and the one and only David Pomeranz, etc.”
Anyway, kinanta nga niya last Friday ang bagong original song niya na Lambing na siya mismo ang nagsulat.
Isasabay sa launching ng Lambing ang Totally 8teen Birthday Concert ni Elisha.