^

Pang Movies

Regine, pinakakain ng kanin ang BINI!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Regine, pinakakain ng kanin ang BINI!
Regine at BINI

Nakakatuwa si Regine Velasquez dahil todo rin ang suporta niya sa bagong-sikat na girl group, ang BINI.

Sa ulat ng ABS-CBN ay binisita ni Asia’s Songbird ang rehearsal ng tinaguriang The Nation’s Girl Group para sa upcoming concert ng mga ito.

Sa kanilang tsikahan ay nagbahagi raw ng payo sa 8 members ng BINI si Songbird.

“Kumain silang rice,” ang natatawang sagot ni Regine nang tanungin kung ano ang 3 tips na ibinigay niya sa BINI.

“But it’s true, kasi they need it. Kasi, ‘di ba, ‘yung rice, parang may time release. ‘Di ba parang hindi naman siya agad nag-i-spike ‘yung sugar mo. So sabi ko, ‘kumain kayo ng rice 3 or 4 hours before the concert,” aniya.

Isa pang payo niya ay i-enjoy lang ang concert.

“Just enjoy it. When you’re doing a concert, hindi mo mahe-help ang sarili mo. You will really enjoy it, because your audience will just give you love. Biruin mo, ikaw ang purpose mo lang is to entertain, but your audience will just... Kung ano ‘yung energy na you’re putting out, ibabalik nila ‘yun sa’yo, ten-fold,” aniya.

Sobrang ina-acknow­ledge rin ni Songbird ang achievements ng BINI partikular nga ang pagkaka-dethrone ng grupo si Taylor Swift as top artist on Spotify Philippines.

“Yes, I saw that. Natutuwa ako kasi, they’re giving life to OPM. Kumbaga, hindi lang sa sarili nila, sa career nila. They’re actually bringing life to our music. Tapos, ipinapakilala nila pa sa buong mundo ‘yung music natin,” papuri ni Regine sa grupo.

Payo pa niya sa BINI, “Just remember to be grateful. Remember that hindi naman lahat ng tao ay nabibigyan ng ganitong klaseng opportunity at it’s not always gonna be like this.”

Paulo, napatalon ni Kim sa Mayon!

Trending at nag-viral ang reel na ipinost ni Kim Chiu sa kanyang Instagram na jump shot nila ng ka-loveteam na si Paulo Avelino sa isang open field at sa background ay makikita ang Mayon Volcano.

“May napa jump shot ako sa umaga! Nicewan @pauavelino,” Kim wrote.

Matapos itong i-post ni Kim ay nag-trending na ang Mayon sa X (dating Twitter). Of course, ang daming kinilig na KimPau fans lalo pa nga’t kilala nila ang aktor na hindi mahilig sa ganitong mga aktibidades.

Sey nga ng isang netizen, “gagawin nya talaga lahat for Kim Another one on the list of Paulo’s unusual things he do for love.”

Sabi naman ng isa pa, “Omg nagiba na talaga si Pau Pau! I’m so happy he found someone that makes him happy.”

Reaksyon naman ng isa pa, “Whaaa parang 1st time nya to ginawa.”

Sey naman ng isa pang KimPau fan, “diba may ubo si pau? grabe ka kimnapatalon mopa talaga.”

Komento ng isa pa, “Awww Paulo Salamat Kim nailabas mo ulit yung kakulitan niya dati.”

Anang isa pang fan, “Okay trending pati Mt. Mayon ngayon dahil sa inyong dalawa. Kung saan saan niyo kami dinadala mga team bahay.”

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with