Kaya raw nag-break? Dominic, sumuko sa lifestyle ni Bea?!

Dominic Roque at Bea Alonzo

True kaya na ang lifestyle diumano ni Bea Alonzo ang naging rason kaya nakipag-split sa kanya si Dominic Roque?

Nabuhay nga ulit ang kontrobersya sa kanilang paghihiwalay pagkatapos na aminin ni Bea sa isang interview na si Dominic ang nakipag-split sa kanya.

Isang example na ibinigay ng source ay ‘pag nagta-travel daw sila.

Dapat daw travel with style si Bea dahil sa kanyang status, business class and five-star hotel dapat. Pero naging honest diumano ang actor at sinasabing hindi niya afford ang ganun pero ang sinasagot diumano ni Bea siya na bahala. Na ayaw daw ni Dominic ng ganun.

Awwss.

Maraming nalungkot sa kanilang paghihiwalay pero marami rin namang umayon doon dahil mas kailangan daw talaga ni Bea ng isang lala­king mas madatung na bagay sa kanyang lifestyle.

Marian, palaban sa Cinemalaya

Kakaibang Marian Rivera ang mapapanood sa Cinemalaya entry na Balota!

Makikita sa isang BTS photo ng Kapuso Primetime Queen ang karakter niya bilang Emmy na sugatan at nasa gitna ng gubat. Si Emmy ay isang teacher na magsisilbing poll watcher sa eleksyon at magbubuwis-buhay para protektahan ang huling balota matapos magkagulo sa kanilang bayan.

Dahil sa kakaiba at makabuluhan nitong kwento, marami na ang nasasabik na mapanood ang collaboration ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group!

Mismong si Marian, super excited na rin daw at talagang napamahal na sa proyektong ito.

Kaya for sure, intense at all-out na aktingan na naman ang ipapakita ng Kapuso Primetime Queen sa Balota!

Samantala, nalalapit na rin ang pagtatapos ng hit primetime series ni Marian na My Guardian Alien.

Matutuloy pa kaya ang happily ever after nina Grace (Marian) at Carlos (Gabby Concepcion) kahit aalis din naman sa Earth ang most loving alien?

Stell, magsosolo na sa Room!

Sa paglulunsad ni Stell ng solo career sa paglabas ng debut single niyang Room, maligaya ang Warner Music Philippines na i-welcome ang soulful singer ng sikat na P-Pop group na SB19 sa impressive roster of Filipino artists.

Dahil sa bagong release na ito, ang Warner Music Philippines sa pakikipagtulungan sa 1Z Entertainment, umaasa ang management team ni Stell, to explore Stell’s artistry with songs that will continue to showcase his wide vocal range punctuated by his mesmerizing delivery, soaring high register, and heart-melting falsetto. Sa pamamagitan ng guidance ng label niya, malaki nga ang pag-asa ni Stell na maging next most sought-after Filipino pop star.

“We are excited to be on this journey with Stell, an artist whose drive to excel inspires many. I’m confident that we can closely develop his personal sound and style for his upcoming music, and we look forward to Stell leaving his mark on the industry,” said Sarah Ismail, Managing Director of Warner Music Philippines.

Sa Room, Stell convincingly conveys the song’s message about how he commands everyone’s attention with his eye-catching presence and ability to read the room in an audition setting.

Upang palakasin ang single, isang music video din ang nag-premiere sa parehong araw ng paglabas nito last June 14 kasabay ng kanyang live performance for the first time in front of family, friends, lucky fans, and members of the media sa Teatrino in Greenhills, San Juan.

Bahagi ng promotional efforts ng 1Z Entertainment – last June 16, na birthday niya, kinanta niya rin ito sa All Out Sundays ng GMA at nagkaroon siya ng exclusive interview sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Two days later, napanood siya sa opening ng Hitman David Foster and Friends Asia Tour 2024 concert at Araneta Coliseum.

Susundan ito ng North American tour sa US and Canada from June 22 to 30 bilang bahagi ng MilEStone Tour of Erik Santos, kung saan special guest si Stell.

Sa July 1 naman, he will appear as a live guest on Wish Bus USA. On July 27 and 28, makakasama naman siya sa Ang Ating Tinig, with Julie Anne San Jose.

Bilang musician, dancer, actor, and host, parang ang dami pang pwedeng i-offer ni Stell bilang solo performer. Ang daming nagagalingan sa kanya.

Ang paglabas ng Room ay prelude sa kanyang upcoming EP na ilalabas sa August.  “At this stage of my life and career, I hope to continue releasing music that aligns with my true worth as an artist,” Stell noted.

“Stell’s talent is undeniable. He is a true star—a top-class singer, brilliant dancer, and charismatic host with a magnetic presence that naturally endears people to him. As he embarks on this personal musical journey, we at Warner Music Philippines are committed to helping him grow as an artist and open doors for him both locally and internationally. We are truly excited to partner with Stell and cannot wait to get started,” ayon naman kay Kelley Mangahas, A&R Director of Warner Music Philippines.

Samantala, magaganap ang JulieXStell: Ang Ating Tinig, ang two-night concert nina Julie Anne San Jose and P-pop Kings SB19’s very own Stell Ajero, directed by Paolo Valenciano, the concert is set to happen on July 27-28, 8 p.m. at the New Frontier Theater.

Tickets are now on sale via TicketNet outlets nationwide or through ticketnet.com.ph. Ticket prices are as follows: P1,500 for Balcony, P2,500 for Loge, P3,500 for Orchestra, P4,500 for VIP, and P6,500 for SVIP with Meet and Greet.

Itinuturing ang dalawa sa may pinakamagagandang boses ng henerasyong ito, handang-handa sina Julie at Stell na ipakita ang kanilang husay at versatility.

“We came up with ‘Ang Ating Tinig’ because, of course, Stell and I are very excited to share with everyone our joint voices. And more importantly, for these two very special nights, sama-sama nating maririnig ang mga kantang nagbigay boses sa mga kuwento natin,” said Julie.

“Gusto talaga naming maipakita ang strength namin. So, may hula na si­guro kayo kung ano ‘yung mga magiging performance namin na magpapakita nun. At the same time, wala ring masama na mag-try kami ng something new, kaya excited kami sa mga pasabog na magiging surprise sa mga manonood,” added Stell.

 

Show comments