Binati ni KC Concepcion noong Father’s Day ang ama niyang si Gabby Concepcion at may kasama pang “Te quiero muchoooo” ang kanyang greetings.
Mabuti at walang nagtanong kay KC kung bakit hindi niya binati noong Father’s Day si Kiko Pangilinan. Kung nagkataon, isyu na naman ito. O baka naman, in private binati ni KC si Kiko.
Anyway, may post si KC tungkol sa pagpili ng magiging life partner at pinag-isip nito ang mga nakabasa sa kanyang post na galing sa The Growing Investor.
“The man or woman you choose to be your partner affects everything in your life.
“Your mental health, your peace of mind, your love inside you, your happiness, how you get through tragedies, your successes, how your children will be raised, and how much more. Choose wisely.”
Marian, ang daming pa-Father’s Day kay Dingdong
Sunud-sunod ang Father’s Day greetings ni Marian Rivera kay Dingdong Dantes at ang pinakahuli, sabi ni Marian, “You are my heart, my love, my everything. Grateful for you.”
Sa kanyang Instagram, may post si Dingdong noong Father’s Day na larawan nila ng mga anak na sina Zia at Sixto. May caption na “Not many, but much” at mabuti na walang nega comment na naligaw na hinahanap si Marian.
Sa isang family bonding isenelebrayt nina Dingdong ang Father’s Day, nagkaroon ng jamming sa kanilang bahay kung saan, nag-play ng drum ang dad ng aktor at ang anak na si Sixto. Gitara naman ang hawakng aktor and what makes the day more special ay ‘yung pagsasayaw nina Marian at ng dad ni Dingdong. Present din sa family bonding ang mom at sister at mga pamangkin ng aktor.
Anyway, nag-last taping na si Marian ng My Guardian Alien at nagpa-raffle ito sa staff at crew. Bawal sumali ang cast na walang nagreklamo.
After the series, sa Cinemalaya entry ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group na Balota mapapanood si Marian.
Tapos na ang shooting ng film sa direction ni Kip Oebanda. Sa August na ang Cinemalaya at ngayon pa lang, maraming fans ni Marian ang gustong bumili ng tiket para mapanood siya sa first Cinemalaya film niya.
Joross at Jeffrey, nilaglag si Alden
Nakakatawa ang laglagan nina Joross Gamboa at Jeffrey Tam sa mga post ni Jeffrey ng photos nila habang nasa Hongkong sa shooting ng Hello, Love Again. Kasama nila sa photo si Alden na biktima rin nang panlalaglag ni Jeffrey.
Sa isang photo na nakatingala sila, sabi ni Jeff, “@aldenrichards dba sabi ko sa camera ang tingin?” dahil iba ang tiningnan ni Alden. Si Joross na ang sumagot ng “Ang sabihan mo @jeffreytamofficial yung is among mata. Di sumusunod.”
Sa isa pang photo, si Joross naman ang nag-trip kay Alden at sa photo na parang pambahay lang ang suot nila, sabi ni Joross, mukha ng local si Alden. Sumagot ito ng “Bakit ba Chinese na ako dito.”
Ang daming funny comments ang fans sa hitsura ni Alden at kinonek nila ang hitsura nito sa karakter niyang si Ethan sa movie.
Lalo tuloy nasasabik ang fans na mapanood ang HLA na may November 13 playdate. Bago ang movie, mapapanood muna si Alden sa Pulang Araw na streaming sa Netflix sa July 26 at world premiere sa GMA-7 sa July 29.