Naglabas ng pahayag ang aktor at celebrity chef na si Marvin Agustin bilang pagbabala sa publiko tungkol sa mga online scammer na gumagamit ng litrato at pati ng boses niya para magbenta ng iba’t ibang produkto.
Nakatanggap nga siya, na kilala rin bilang Tito Marvs online, ng mga report ng mga scammer na gumagamit ng pangalan, litrato at boses niya sa mga produktong hindi naman niya ineendorso.
Sa kanyang pahayag na nilabas sa social media, pinaalalahanan niya ang lahat na i-report ang kahit anong suspicious posts sa iba’t ibang social media platform na gumagamit ng pangalan niya.
Nabahala siya dahil pati ang kanyang boses ay minanipula sa pamamagitan ng AI.
“To all my followers as Marvin Agustin or “Tito Marvs,” I would like to inform you that we have received several reports of social media accounts pretending to be me or my representatives selling various products.
“These impersonators are using my name, photos, and videos, as well as manipulating my voice using AI,” bahagi ng post niya.
Nilinaw niya ang mga social media account na ginagamit lamang niya.
“We urge everyone to report any suspicious posts on online platforms. Thank you very much for your understanding and support,” pagtatapos niya.
Samantala, hindi lang siya ang nabiktima ng mga scammer na ginagamit sa fake product advertisements dahil marami pang celebrity ang nakaranas at nakakaranas nito kaya ingat talaga at huwag basta-bastang maniniwala sa mga nakikita sa social media.
Hindi bongga.