Napasubo ang isang male celebrity na kumanta sa isang out of town event. Eh biglang sikat ang celebrity kaya naman gusto siyang hingan ng kanta kahit hindi siya singer.
Eh ang namamahala sa career niya, mukhang pera kaya dahil malaki ang bayad sa talent, tinanggap ang offer ng pagkanta.
Kabado talaga si male celeb kaya naman upang lumakas ang loob, humingi siya ng alak para tumapang sa pag-akyat sa stage na maraming tao!
Naitawid naman ni male celeb ang pagkanta kahit hindi sumasakto ang boses niya sa minus one na gamit niya!
Sinabihan na lang ng male celeb ang management niya na pag-aralin siya ng pagkanta upang hindi siya kahiya-hiya sa publiko!
Chanda, nagtago sa ilalim ng trak!
Ayaw sabihin ni Chanda Romero kung mamamatay ang character niya sa Black Rider bilang presidente ng bansa!
Eh sa kanyang ambush scene, sumailalim sa ilalim ng trak si Chanda para magtago. Eh sinabihan siyang magpa-double pero hindi siya pumayag! “Pero ma-imagine ba ninyong sa edad kong 77 eh gagawa pa ako ng ganoong eksena? Hahaha!” sabi ni Chanda nang mag-renew ng kontrata bilang ambassadress ng iSkin Aesthetic Lifestyle ni Kate Pagkalinawan.
Nag-trending din ang veteran actress sa TikTok nang gawin niya ang isang eksenang naghihintay sa biniling santo at may mura-mura pa!
Anyway, bukod kay Chanda, ang bago pang ambassadors/dress ng iSkin ay ang Sparkle stars na sina Billie Hakenson, Brianna Bunagan, Haley Dizon, Kim Perez at Joaquin Manansala.
Present din sa contract signing ang legal counsel ng iSkin na si Atty. Maggie Garduce.