Ikakasal for the second time si Michelle Madrigal.
Sa kanyang Instagram story, nag-share ang dating aktres ng feelings niya ngayon: “Damn if you do, damn if you don’t. No matter what you do, people will always have something to say. So, live your life and follow the path that God has given you.”
Naka-base siya sa Texas at ginawa niya munang pribado ang kanyang present lovelife. “I’ve kept my dating life very private since my last relationship, and choosing to stay quiet this time has been the best decision. But YES I am marrying the man God sent me during my waiting season.”
Ni-reveal din niya ang photo ng kanyang fiance na kung tawagin niya ay “My partner in Christ.”
Noong 2021 na-divorce siya sa ex-husband na si Troy Woolfolk at meron silang isang anak.
Bernadette, grabe ang naging selos kay Donita!
Inamin ni Bernadette Allyson na si Donita Rose ang pinakapinagselosan niya sa mga naging ex-girlfriends ng mister niyang si Gary Estrada.
Naging open naman daw si Gary sa misis tungkol sa naging relasyon nila ni Donita. Kaya alam niya kung gaano kalalim ‘yung naging pagsasama ng dalawa na umabot ng siyam na taon.
Ni-reveal naman ni Gary na sa mga naging girlfriends niya, sina Donita at Bernadette lang ang binalikan niya.
Kuwento ni Bernadette: “Naghiwalay kami. After 10 months we broke up, ewan ko, Christmas of that year. Parang nagkaka-falling out of love, busy sa trabaho, pareho kaming busy.”
Muli raw nagparamdam sa kanya si Gary after a year at gustong makipagbalikan. “2001 noong bumalik siya parang gusto niya makipag-girlfriend boyfriend ulit, Valentine’s. Sabi ko no ayaw ko pa, kasi nag-e-enjoy na ako ng dating-dating. Pero I still have feelings for him kasi bumabalik siya, ine-entertain ko pa,” kuwento ni Bernadette na inalok agad siya ng kasal ni Gary after magbalikan sila.
Kinasal sila noong June 16, 2001 at nagkaroon ng tatlong anak na babae.
Nicole Kidman at Sandra Bullock, may reunion!
Magkakaroon ng reunion sa big screen sina Nicole Kidman at Sandra Bullock para sa sequel ng 1998 film na Practical Magic.
Gumanap sila na magkapatid na witches, na may sumpa sa kanilang lovelife sa Practical Magic. Sa sequel ay modern witches na sila dahil sa social media.
Busy year ito for Nicole dahil may natapos siyang movie with Zac Efron and Joey King na Family Affair. Magbabalik din for season 3 ang HBO series na Big Little Lies.