^

Pang Movies

Vicor music exec, pumanaw sa sakit sa puso

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Vicor music exec, pumanaw sa sakit sa puso

Ulila nang lubos sa magulang sina Michael, Michell at Miggi Ilacad, mga anak ng yumaong mag-asawang Chito del Rosario Ilacad at Yolly Samson-Ilacad.

Si Chito ay nakababatang kapatid ng OctoArts big boss na si Orly Ilacad maging ng namayapa na ring dating miyembro ng grupong Boyfriends na si Art Ilacad na sumakabilang buhay nung July 30, 2023.

Pumanaw si Chito nung June 11, 2024 sa edad na 71 dahil sa sakit sa puso.

Si Chito ay dating executive ng Vicor Music Corporation na dating pag-aari ng magpinsang Vic del Rosario, Jr. (ng Viva ngayon) at Orly Ilacad (ng OctoArts) at ng OctoArts International, na isang record company.

Sa unang wake ni Chito sa Arlington Memorial Chapels in Quezon City last April 13 ay dumating ang singer at dating hitmaker na si Renz Verano na umawit sa burol ng Remember Me. Personal itong nagpasalamat kay Boss Chi dahil kung hindi umano sa nasabing awitin ay baka wala umanong Renz Verano na kilala hanggang ngayon.

Bukod kay Renz ay dumating din sa unang gabi ng lamay sina Sen. Jinggoy Estrada, Gary Arriola ng Boyfriends maging ang young Kapamilya star na si Alexa Ilacad na anak ni Guy Ilacad at pamangkin ng yumaong si Chito Ilacad at Ilacad Brothers. Ito bale ang unang pagkakataon na nakita naming dumalo ang young singer-actress sa okasyon ng mga Ilacad.

Kitang-kita rin kay Alexa ang pagiging papa’s girl dahil parati itong nakaangkla sa kanyang amang si Guy Ilacad na isa rin noon sa executives ng Vicor ng magpinsang Vic del Rosario, Jr. at Orly Ilacad at OctoArts na solong pag-aari ni Boss Orly habang nag-concentrate naman si Boss Vic sa iba’t ibang negosyo ng Viva na siya na ring mag-ari ng Vicor ngayon.

vuukle comment

VOICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with