^

Pang Movies

Maine, may hugot sa pagsusuot ng face mask!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Maine, may hugot sa pagsusuot ng face mask!
Maine Mendoza

May panawagan si Maine Mendoza sa fans tungkol sa pagpapakuha ng litrato kasama ang mga artista.

Nag-post ang misis ni Arjo Atayde ng kanyang random thought tungkol sa fans na nagpapa-picture at humihirit sa mga celebrity na tanggalin ang mga face mask nito para sa litrato.

“Random thought dahil ang daming may sakit ngayon. People should stop asking anyone to take off their masks when posing for a photo. Some public figures wear masks in public for reasons beyond just avoiding recognition. Sometimes, some individuals opt to wear masks because they are unwell and prefer not to risk contracting or spreading a virus,” post ng Eat Bulaga host.

Sumang-ayon naman ang netizens na marami pa rin ang nagkakasakit ngayon. Ang iba pa nga sa kanila ay kakagaling lang sa flu o ‘di kaya’y na-COVID kaya hindi maiiwasang nag-iingat pa rin talaga ang marami.

Nasasabihan pa ang ibang artista na nang-iisnab dahil naka-mask ang mga ito pero bukod nga sa posibleng ayaw nilang makilala at gusto lamang nilang makapamasyal nang tahimik at hindi na pagkaguluhan, maaaring hindi maganda ang pakiramdam nila at ayaw lamang nilang makahawa gaya ng sinabi ni Maine.

“Ang hirap mag trabaho nang masama ang pakiramdam kaya ingat always, fam,” pahabol nito sa kanyang post.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with