^

Pang Movies

Janine, umaasang ikakasal pa rin

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Janine, umaasang ikakasal pa rin
Janine Gutierrez

Isa sa mga co-producer ang Kapa­milya singer-actress na si Janine Gutierrez sa gagawing film documentary in honor of her paternal grandmother, ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales na pamamahalaan ng award-winning director na si Baby Ruth Villarama na siya ring nagdirek ng film docu na Sunday Beauty Queen.

At 34, turning 35 on Oct. 2, umaasa rin ang panganay ng estranged couple na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher na mahahanap din niya ang kanyang ‘Mr. Right.’ Nasa marrying age na rin kasi si Janine whose last relationship was with Kapamilya actor Paulo Avelino na nali-link naman ngayon sa Kapamilya singer, actress, dancer at host na si Kim Chiu.

Bago si Paulo ay naging kasintahan din noon ni Janine sina Elmo Magalona at Rayver Cruz.

Samantala, masaya si Janine na kasama siya sa bagong primetime drama series na pinangungunahan ni Jodi Sta. Maira, ang Lavender Fields.

Si Janine ay huling napanood sa hit primetime revenge drama na Dirty Linen kung saan niya nakabituin si Zanjoe Marudo.

Bukod kay Jodi, pangarap ding makatrabaho ni Janine sina Iza Calzado, Angel Locsin, Anne Curtis at ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Barda, tatapatan si Coco!

Mapantayan o malagpasan kaya ng upcoming historical action drama series na Pulang Araw ang tagumpay ng hit drama series na Maria Clara at Ibarra on GMA?

Magkakasama sina Dennis Trillo, Barbie Forteza at David Licauco sa Maria Clara at Ibarra at muli silang pinagsama sa Pulang Araw kung saan din nila kasama sina Alden Richards at Sanya Lopez mula sa pamamahala ni Dominic Zapata. Ang nasabing serye ay unang mapapanood on Netflix at malamang itapat ito sa hit and longtime primetime action-drama series ni Coco Martin sa ABS-CBN Studios, ang FPJ’s Batang Quiapo.

Rhen, huhusgahan sa Karma!

Showing na sa mga sinehan ang kauna-unahang action-drama movie na pinagbibidahan ng Viva actress na si Rhen Escaño, ang Karma. Tampok din sa nasabing pelikula sina Sid Lucero, Paolo Paraiso, Krista Miller at Roi Vinzon.

Ayon sa writer-director na si Direk Albert, nakitaan niya ng husay sa pag-arte si Rhen nang ito’y maging bahagi ng hit and longest-running action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano kung saan isa siya sa mga director. Nangako ang director na kung may pagkakataon ay gusto niyang idirek ito sa isang action-drama movie at natupad ito sa Karma.

Sumailalim siya ng fight scenes at gun firing at hindi umano siya nagpagamit ng double kahit sa mga delikadong eksena nila sa pelikula.

“Direk Albert pushed me at hindi naman siya nabigo,” pagmamalaki pa niya na napapanood din sa TV adaptation ng Lumuhod Ka sa Lupa on TV5.

Nagpasalamat din si Rhen kay Boss Vic del Rosario, big boss ng Viva, na siya’y pinayagang gawin ang itong Karma na ipapalabas na sa mga sinehan nationwide simula sa June 19, 2024.

 

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with