Lolit may chika... Paolo, umaasa sa balikan nila ni Yen
MANILA, Philippines — Nay (Lolit Solis) palagay mo maghihiwalay talaga sina Paolo Contis at Yen Santos?
“Hindi ako maniniwala habang hindi nagsasalita si Paolo kasi parang pinoproteksyunan niya pa eh. Baka meron pang way na magbati sila or whatever pero kapag sinabi niya na, hiwalay na kami, doon ako maniniwala,” mabilis na sagot ni Nay Lolit nang tanungin namin siya tungkol sa possibility na hiwalay na nga ang alaga niyang actor sa girlfriend nito for two years now nung huling lunch chikahan namin kasama ang ilang sisters.
Hindi ba sa’yo nag-o-open si Paolo?
“Naku hindi ko siya tinatanong ‘no.”
Pero talagang pinilit namin, baka naman ayaw niya lang magsalita kaagad.
Anong pakiramdam niya sa setup nila ngayon?
“Para namang okay siya. Para namang happy siya.”
Boto ka kay Yen?
“Okay lang. Kung sinong makakapagpaligaya kay Paolo. Kailangan ni Paolo isang strong na ka-partner eh. Parang ‘yung ma-control siya, susundan niya, may respeto siya,” aniya pa sa babaeng kailangan ng kanyang alaga.
So feeling mo si Yen ‘yun?
“Sana. Hindi ko naman kilala o ganon ka-close si Yen.”
Pero naka-hika mo na si Yen?
“Hindi pa.”
Hindi pa sa ‘yo napakilala ni Paolo?
“Hindi pa. Ang alam ko lang dati siya ni ano...” na ang tinutukoy ang ex ni Yen.
Hahahaha. Hmmm. Sino kaya ‘yun?
Comeback movie ni Enrique, hindi natagalan ng iba?!
Well, kanya-kanyang judgment o hatol ang panonood ng pelikula kaya kung may mga nagandahan sa humor ng pelikulang I Am Not Big Bird ni Enrique Gil, meron namang ‘di ito na-appreciate.
Kasalukuyan itong napapanood sa isang streaming platform.
Sa totoo lang, nang umpisahan itong panoorin ng isang kasama namin sa bahay, hindi niya natagalan.
Nawalan daw siya ng gana dahil pulos t-t- ang binabanggit.
Feeling niya, wala kang mapupulot na katiting na aral man lang o mag-e-enjoy.
Kaya agad-agad niyang itinigil at itinuloy na lang ang sinimulang old Hollywood film.
Sayang na sayang daw.
Tanong din niya, ganun ba dapat movie ang naging comeback ni Enrique Gil?
Kung ganito raw pelikula ang ipapalabas sa mga sinehan, mahihirapan ngang bumalik ang mga manonood.
Sana naman daw, gandahan ng mga local filmmaker ang mga pelikulang ginagawa nila para maengganyong magbayad sa sine ang mga kababayan natin upang bumalik sa dating sigla ang ating industriya.
Awsss.
Pero ‘yun nga hindi naman lahat ay ganun ang dating sa panonood nila ng I Am Not Big Bird, ang iba ay nagandahan at nakuha ang ibig iparating ng kuwento nito.
- Latest