SB19, inawat ang fans sa pakikipagbardagulan
Naglabas na ng statement sina Pablo and Stell ng SB19 hinggil sa awayang nangyayari ngayon online sa pagitan ng fans nilang A’tin at sa volleyball star na si Sisi Rondina and her supporters.
Sa mga hindi masyadong aware sa issue, naging guests sa nasabing Independence Day program sa Busan, South Korea noong Linggo, June 9 ang SB19 at ang Alas Pilipinas kung saan ay star player si Rondina.
Sa naturang event, tinanong ang Alas Pilipinas kung kaninong performances ang excited silang makita. Maririnig na may ilang nagsasabi na “SB19.”
Sumagot naman si Sisi ng “Starbucks lang alam ko” at ikina-offend ito ng fans ng SB19.
Kasunod na nga nito ay nag-away-away na ang fans ng SB19 at supporters ng volleyball.
Kaagad namang nag-sorry si Rondina sa pamamagitan ng TikTok Live. Aniya, “personally, hindi ko talaga sila... I mean, hindi ko alam ba. Ang daming na-offend siguro kaya sorry po talaga. I’m really sorry.”
Pero hindi pa rin tumigil ang SB19 fans at patuloy pa rin sa pagre-react kaya naman hindi na nakatiis ang dalawa sa miyembro ng nasabing sikat na Pinoy Pop group na sina Pablo and Stell at naglabas ng statement tungkol dito.
Sa pahayag ni Pablo ay sinabihan niya ang A’tin fans na huwag makipag-away at huwag magalit kung may hindi nakakakilala sa kanilang grupo.
Narito ang full statement ng lider ng SB19 na si Pablo sa kanyang X account.
“Our goal as a team since we started hasn’t changed: I-angat ang kulturang Pinoy sa global stage. Simulat sapul, we worked really hard towards that one goal regardless of the challenges, and we know na hindi kame nag-iisa sa goal na to dahil marami pang ibang Pinoy ang nagsusumikap at nagsasakripisyo para sa layon na to,” simula ni Pablo.
“To A’tin, salamat sa lahat ng suporta at pag mamahal na binibigay nyo samin. Wala kami, kung wala kayo. Sana lagi nyo tatandaan kung bakit “ATIN” ang pangalan ng fandom natin. We share our Victories! Sa ATIN lahat to!
“Respect and acknowledge na hindi lahat ng tao, aware or kilala ang grupo namin. Hindi rin sa lahat ng oras, everyone will hold a favorable opinion of us. THAT’S FINE! There’s no reason to spread hate, disrespect or drag down our fellow Filipinos.
“Lahat tayo may effort na i-angat ang Pinoy. Hindi kailangan ikumpara kung sino mas magaling o mas maraming nagawa. Lahat may pinaghirapan, lahat may nilalaban. Dapat hilahan pataas, kasi iisa lang rin naman ang goal natin,” saad ni Pablo.
“At the end of the day, we’re proud of, and respect, every Filipino who’s made strides to uplift the country whether sa music, sa sports, and sa iba pang larangan. Mabuhay ang Kulturang Pinoy! Happy Independence day!”
Sabi naman ni Stell sa isang thread ng pag-aaway ng fans, “I personally don’t tolerate this kind of behavior. Stop this.”
Maja, enjoy sa paghele sa anak
Matapos makapanganak noong May 31 sa Canada sa first baby nila ni Rambo Nuñez na si baby Maria, nagsimula na ang journey ni Maja Salvador bilang isang bagong ina.
Sa kanyang Instagram post kahapon ay makikita ang video kung saan ay karga-karga at hinehele niya ang bagong silang na sanggol.
“My heart,” caption ni Maja.
Sa comment section ay sumagot naman ang mister niyang si Rambo ng “My life.”
Tuwang-tuwa naman ang netizens at na-touch na makita si Maja for the first time bilang isang ina.
“Enjoy motherhood” komento ng dating singer na si Carol Banawa.
- Latest