^

Pang Movies

Singer, nilayasan ng sexy star sa kalagitnaan ng tsugian

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Type na type ng isang male singer ang female sexy star na lagi niyang binibiru-biro sa tuwing makikita sa shows na napagsasamahan.

Pero dedma ang sexy star dahil mas bata sa kanya. Hindi niya kasi type ang mas bata sa kanya kaya hindi sineseryoso ang palipad-hangin nito sa kanya.

Eh sa kakakulit ng singer, nagdesisyon ang sexy star na magpatikim na siya, huh!

Pero sa kalagitnaan ng tikiman, nagulat si sexy star nang tumayo sa kama si male singer, bumaba at biglang kumanta na parang nagko-concert, huh! At in his naked glory!

Naloka si sexy star sa drama ng singer, kaya tumayo na rin sa kama, nagbihis at nilayasan ang singer at nangakong hindi na paparausin ang singer, huh!

Mark, tuloy na sa bagong posisyon?

Tikom ang bibig ni Batangas Vice Governor Mark Leviste kung makikita si Kris Aquino na sumusuporta sa kanya kung sakaling siya na nga ang next in line kay Governor Dodo Mandanas na nasa huling termino niya as Batangas governor.

“Kris inspires me. She continues to motivate me in my work as a public servant. Politics is not new to her,” pahayag ni VG Leviste.

Willing si VG Mark na humalili kay Mandanas kung sakaling siya ang piliin. May balita ngang ilalagay siya sa mas mataas na position sa PBBM administration.

At sa past interviews ni VG Leviste, willing siyang pakasalan si Kris. “I see myself spending the rest of my life with her and taking care of her. I am very sure that the people of Batangas are excited to have Kris Aquino as a future first lady if given the chance.

“My children and family love Kris and her sons. We adore them and looking forward to be this one, big happy family one day,” diin ni VG Mark.

Sa local surveys , top choice si Leviste to replace Mandanas sa pagka-Gobernador.

MARK LEVISTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with