Carlo at Charlie, mag-asawa na

Carlo at Charlie
STAR/File

MANILA, Philippines — Ikinasal na ang Kapamilya artists na sina Charlie Dizon at Carlo Aquino kahapon, Hunyo 9, sa isang private resort sa Silang, Cavite.

Kumalat ang mga larawan ng kanilang kasal kahapon at kinumpirma rin ng ABS-CBN News ang kasal ng magkarelasyon na ginanap kahapon ng hapon.

Kapwa naroroon ang mga kapamilya nina Aquino at Dizon. Kabilang sa principal sponsors sina Vilma Santos, Olivia Lamasan, Charo Santos, Maricel Soriano, Cong. Lani Mercado, Sen. Bong Revilla, Sylvia Sanchez, businesswoman Rhea Tan, Veronique del Rosario, Cory Vidanes, at ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak.

Show comments