Kasal ni Medwin, aprubado ng mga kabanda

Medwin Marfil.
STAR/ File

Nagpaalam sa kanyang banda na True Faith si Medwin Marfil bago ito kinasal sa kanyang sinikretong boyfriend na si Mark Angeles.

Ayon kay Marfil, hindi naging madali para sa kanya ang lahat dahil ilang beses nilang pinag-usapan ni Mark kung ano ang gagawin nila to move forward.

Mahaba raw ang naging proseso at maraming pag-uusap ang nangyari sa pagitan nilang dalawa.

Ayon kay Mark: “Sabi ko, uwi ako ng Manila, kung gusto mo pagbalik ko sumama ka sa akin and then, you can hang out here muna. Kasi parang sabi ko nga, one more time let’s check it out and see kung talagang okay, kung long term tayo.”

Bago pa bumalik si Medwin noong nakaraang April sa Pilipinas, nag-usap na sila at nagdesisyon na mag-move forward sa kanilang relasyon.

“Mukhang okay ang banda na mag-break muna sandali. Tapos mukhang okay na rin tayo, ready na tayo. So let’s just bite the bullet. Let’s do it,” sey ni Medwin na nagsimula bilang vocalists ng True Faith in 1991 at kabilang sa hits nila na Perfect, Huwag Na Lang Kaya, Muntik Nang Maabot Ang Langit, Alaala, Ambon at ang cover version nila ng Ikaw Ang Miss Universe Ng Buhay Ko.

Show comments