Annabelle may kinampihan na ba? OMG ni Barbie sa kasal nina Richard at Sarah, nahalukay!
MANILA, Philippines — Talagang lahat nagagawan ng issue sa social media.
Imagine, nahalukay ng ibang netizen ang comment noon ni Barbie Imperial sa kasal nina Richard Gutierrez and Sarah Lahbati.
Nag ‘OMG’ noon si Barbie sabay nag-congratulate na pinasalamatan ni Sarah.
Samantala, pinag-usapan naman sa social media ang post ni tita Annabelle Rama na “Hoy!! Yung walang magawa sa buhay tumahimik na kayo.
“Kasi si Annabelle Doll hindi lalaban kay Barbie Doll maganda, maputi at makinis. Ang gusto makalaban ni Annabelle Doll si Chucky . Alam nyo na kung sino yun HAHAHA happy kana!?”
Wala naman siyang pinatutungkulan kung sino si Chucky.
Pero ang impression nila, soft launch ito ni tita Annabelle na favor siya kay Barbie na kasalukuyang iniuugnay ang pangalan kay Richard Gutierrez na ex ni Sarah.
Impression lang nila ‘yun at wala talagang statement si tita Annabelle.
Heart at Anne, pinaboran ng Gen Z sa ‘fashion’
Nilinaw ng isang malapit kay Heart Evangelista na walang matatanggap na sahod ang global influencer bilang presidente ng Senate Spouses Foundation.
Isa umanong “for the love of job” ang bagong position nito bilang misis ni Senator Chiz Escudero.
Pero pramis ni Heart sa isang reply sa follower na “I don’t know how much time I have In this world … I didn’t ask for any of this … but I shall do my best with all the energy I have … to do my part. I worked for what I have and I can say I have more than what the little girl inside me ever dreamed of … I don’t want anything in return but just for me to be able to be an instrument of God. you only get to live one life …make it count !so let’s do this.”
Nabuo pala ang Senate Spouses Foundation noong 1987 at isa itong non-stock-non-profit organization.
“The @senatespousesph foundation was created in 1987 by the spouses of senators in their private capacities. it’s a non-stock-non-profit organization. all is done from the heart and for the love of our nation!indeed it’s an honor to share this with my fellow senate spouses?”
May ibang basher kasi na nang-iintriga kay Heart sa bagong trabaho nito sa ‘Senado.’
Samantala, sila lang ni Anne Curtis ang Pinoy influencers sa Top 20 Celebrities Globally for All Fashion & Sportswear Segments - Reinventing Influence : The Gen Z Impact on Fashion Marketing.
Number 4 si Heart habang number 9 si Anne.
Ang nasabing resulta ay base sa Launchmetrics – na ang ginagamit ay ang tracking software sa mga global brand.
TV5, mamimigay ng datung sa mga tututok sa primetime
Uy kapana-panabik na ang panonood ng TV5 primetime dahil mamimigay sila ng mahigit P1M worth of total prizes sa Kapatid, Manood at Manalo! promo simula Hunyo 10 hanggang Hulyo 19, 2024.
Ang kailangan lang gawin: tumutok sa TodoMax Primetime Singko gabi-gabi 5:30 p.m. hanggang 10:15 p.m. at bilangin ang mga pulang bola na lalabas sa kanang-itaas ng screen.
I-send ang sagot sa official Facebook Messenger account ng TV5 kasama ang full name, residential address, email address, at phone number.
Lahat ng tamang entries ay pasok sa daily raffle kung saan isang lucky winner ang iaanunsyo sa primetime commercial breaks kinabukasan.
Ang mga ‘di pinalad sa daily raffle ay may pagkakataon pa ring manalo sa weekly draw tuwing Lunes. At lahat ng non-winning entries mula sa daily at weekly draws ay mapapasok pa rin sa grand draw, kung saan ilalabas ang mga mananalo isang linggo matapos ang promo.
Bongga, napakalaking premyo ang naghihintay – P5,000 bawat araw para sa daily winners, P50,000 para sa weekly winners, at P500,000 sa grand draw. Marami ring Sulit TV boxes mula sa TV5 ang ipamimigay.
Kaya imbes na magbabad sa social media, manood na lang ng TV dahil may pagkakataon kayong maging susunod na big winner sa pamamagitan ng pagbibilang ng mga pulang bola habang nanonood ng paborito mong shows sa TV5.
Ang TodoMax Primetime Singko ng TV5 ay mula 5:30 p.m. hanggang 10:15 p.m.
Zsa Zsa, naglabas ng comeback single
Nagbabalik recording ang nag-iisang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa pamamagitan ng ‘Pag Tinadhana single na inilunsad ngayong buwan kasabay ng pagdiriwang niya ng ika-60 kaarawan noong Mayo 28.
Isang modern jazz pop single ang ‘Pag Tinadhana na tungkol sa hindi paghahanap ng pag-ibig at pagbibigay pagkakataon na kusang umusbong ito.
“I want something that appeals to the younger generation,” sabi ng OPM icon tungkol sa kanyang latest music offering. “It’s a beautiful and positive song.”
Unang inawit ni Zsa Zsa ang kanta sa ASAP Natin ‘To sa May 19 episode nito na nagsilbi ring maagang birthday celebration niya sa longest-running musical variety show kung saan isa siya sa mga nagsisilbi bilang main host.
Officially senior na si Zsa Zsa. May 28, 1964 ang kanyang birthday.
Inilahad din ng batikang mang-aawit ang kanyang birthday wish na maisakatuparan ang ninanais na pagdiriwang para sa kanyang nalalapit na 40th anniversary sa industriya. “I just wish my dreams for this year will come true, to celebrate my 40th year in showbusiness.”
Isinulat at prinodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang ‘Pag Tinadhana at inilunsad sa ilalim ng Star Music.
- Latest